^

PSN Showbiz

Pag-amin ng abortion noong 15 anyos ni Princess, BI sa mga bata!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Pag-amin ng abortion noong 15 anyos ni Princess, BI sa mga bata!
Princess Punzalan.

Amin lang ‘to,  pero dapat ay hindi na inamin ni Princess Punzalan na sumailalim siya sa abortion noong siya ay 15 years old lang, dahil sa takot niya sa nanay niyang si Helen Vela at dahil din ayaw siyang panagutan ng lalaking nakabuntis sa kanya.

Bagama’t may tono ng pagsisisi dahil inamin niyang hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong maging ina dahil sa ginawa niyang iyon, ang paglabas noon ay maaaring isipin ng iba na maaari palang gawin kahit na ang abortion ay nananatiling illegal sa ating bansa.

Isa pa, wala namang anumang sekta ng relihiyong Kristiyano na umaayon sa abortion, at ang kapatid niya ay isang Obispo ng mga born again.

May hindi magandang tono iyon.

Cesar, malayo ang hitsura kay ex Pres. Marcos

Nang lumabas ang isang picture ni Ruffa Gutierrez na nakasuot ng kagaya ng damit ng dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos, sinasabi nilang bagay pala.

Pero sa tingin namin, parang masyadong bata si Ruffa para sa role, kasi nga sinasabi nilang kuwento iyon ng final days ng first family noon sa Malacañang.

Iyon nga lang siguro wala silang makuhang artistang maganda at matangkad na bankable pa bukod kay Ruffa.

Ang pelikulang iyan ay ipapalabas daw sa mga sinehan, bagama’t may mga nagsasabing ang produksiyon ay parang pang-internet movie lamang.

Sa panahong ito, hindi naman yata bagay kung ilalabas sa internet lang ang pelikulang ganyan pero kung ipalalabas nga ‘yan sa mga sinehan hindi namin inaasahang magiging ka­sing laki iyan ng Iginuhit ng Tadhana, o noong Pinag­buklod ng Langit.

Una, sinehan lang ang talagang libangan noong panahong iyon.

Ikalawa, medyo mahirap ang buhay ngayon, bihira ang makapagbabayad ng P300 mahigit o P400 para makapanood lang ng sine. Bukod diyan, takot pa ang ibang tao sa COVID.

Siguro kung ilalabas nila iyan sa susunod na taon pa, at makakabawi nga ang ekonomiya, baka sakali pa.

Isa pa, marami ang nagsasabing hindi naman kamukha ng da­ting presidenteng Ferdinand Marcos si Cesar Montano, hindi kagaya noong araw na nagawa nilang maging kamukha ni FM si Luis Gonzales at isa iyon sa mahalagang sel­ling factor ng pelikula.

Noon din, naisip nilang si BBM mismo ang gumanap ng kanyang role. Ngayon hindi nila naisip na puwedeng-puwede sana ang anak ni BBM na si Vincent para lumabas sa role ng tatay niya.

Matinee idol kasi ang hitsura noong bata.

Baguhang matinee idol, ‘di nakisabay sa pride month

Natapos na ang pride month, at nabigo ang mga naghihintay na magladlad na rin ang isang baguhang matinee idol, after all common sight na siya sa gay parties at sinabi naman niyang naka-support siya sa LGBTQ.

Siguro iniisip pa rin niyang hindi maganda iyon sa kanyang career.

Pero maitatago ba ng well-toned muscles, projection ng boses, at kunwaring panliligaw ang tunay niyang sexual preference kung visible naman siya sa mga “not so private gay parties”?

PRINCESS PUNZALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with