^

PSN Showbiz

Nora hinahabol na ang paghinga, isinakay sa wheelchair sa CCP

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nora hinahabol na ang paghinga, isinakay sa wheelchair sa CCP
Nora
STAR/ File

Sa kabila ng karamdaman ng original Superstar Nora Aunor, sinikap niyang dumalo sa tribute para sa hinirang na National Artists na ginanap sa Cultural Center of the Philippines nung Miyerkules ng hapon.

Walo ang pinarangalan sa Malacañang kamakailan lang, humabol lang si Ate Guy dahil matagal siyang na-confine sa hospital.

Pero dumalo siya nung Miyerkules, lalo na’t siya naman talaga ang inaabangan ng lahat.

Si Ate Guy ang pinakahuling pinarangalan, at sinalubong siya ng masigabong palakpakan at pagbubunyi nang personal niyang tanggapin ang tribute na ibinigay sa kanya.

Pero halatang nahihirapan siya, kaya isinakay na siya sa wheelchair pagkatapos ng parangal.

Gusto pa sana siyang interbyuhin ng mga press na dumalo, pero hindi na nagpaunlak dahil halata namang hirap na hirap na siya.

Ang dali niyang mahapo kapag nagsasalita.

Sa kanyang accep­tance speech ay nahahalata na ring nahihirapan at hinahabol ang kanyang paghinga.

Bahagi ng kanyang mensahe: “Nitong mga nakaraang araw, sinubok po muli ako ng isang karamdaman.

“At kaya hindi po ako nakadalo sa Malacañang ngunit nagiging malakas po ang pakiramdam ko dahil sa mga dasal ninyo.

“Salamat po sa pag-aalala at pagpaparating ng inyong mga mensahe. Utang na loob ko po sa inyo lahat ang buhay at sining na minahal n’yo po sa isang Nora Aunor simula po noong nakipagsapalaran po ako na umawit at sinuong ang buhay na pelikula ilang dekada na ang nakakaraan.

“Hindi po lahat madali ang buhay na ito ngunit wala po akong maisusumbat kanino man dahil sa kabila ng lahat na hirap at kontrobersya, patuloy po ninyo akong minamahal, at ang sining na aking inihandog sa inyong lahat.”

Ang daming Noranians na dumating sa CCP, at sana patuloy nilang ipagdasal ang agarang paggaling ni Ate Guy.

Dumalo rin ang mga anak ni Ate Guy na sina Ian, Matet at Kenneth de Leon na proud na proud sa kanilang ina.

Andrew E. nagbukas ng production company sa US, nagsalita sa mga nabiling luxury car

Grabe ang dami ng taong dumagsa sa pa-concert sa Ormoc nung nakaraang Martes ng gabi, bilang bahagi pa rin ng kanilang Piña Festival na inorganisa nina Cong. Richard Gomez at Mayor Lucy Torres-Gomez.

Sina Gigi de Lana, Andrew E. at Zsa Zsa Padilla ang nag-perform nung gabing ‘yun, pero obvious na karamihan ay inaabangan ang performance ni Andrew E. na pinakahuling isinalang.

Ang init ng pagtanggap kay Andrew E. na muling sumigla ang music career sa pangangampanya ng UniTeam nina Pres. Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.

Nagulat siya at hindi raw niya akalaing mag-hit sa TikTok ang dalawa niyang kantang Aussie, Aussie (O Sige) at Shoot Shoot na hindi naman sumikat nung inilunsad niya ito 14 years ago. “Ang mga kabataang naghahalungkat ng mga kanta, nakita ‘yung dalawang ‘yun.

“Kaya sa TikTok, millions ‘yun. Sabi ko, ‘oh, hindi na maawat. Bakit ganito?’ Kung kailan naluma ‘yung kanta, saka n’yo nagiliwan. Parang weird.

“Malayo sa suwerte ‘yun, walang ganung kanta. Ang kantang sumikat ngayon, maluluma. Sikat ngayon, mauulit. Pero hindi sumikat ‘yun. Galing sa wala ‘yun. After 14 years!,” bulalas ni Andrew E.

Ipinaliwanag din sa amin ng rapper/actor na nung panahon ng kampanya ay nasa grupo pala siya ni VP Sara, hindi kay Pres. BBM.

Nakakasama lang siya sa kampanya ni BBM kapag ang Uniteam na ang nasa campaign rally.

Kaya wala siyang nakuha kay BBM. Noon pa man ay kasama na raw talaga siya sa Hugpong ng Pagbabago ni VP Sara Duterte. “Ang nakuha ko kay Bongbong kapalit ng pag-campaign, yakap, embrace. Nakita mo ang embrace… ‘yung picture na kumalat?

“Tell me anything, kahit siya ang tanungin n’yo. Did he give me anything? Yakap! ‘Yun ang para sa akin pinaka-dear, ‘yun ang pinaka-valuable.

“Ako Sara ako. Pero ‘pag may Uniteam, join ako.”

Kaya itinanggi niyang nabigyan siya ng napakalaking halaga na ipinambili niya ng dalawang sports car. Hindi raw totoong bumili siya ng ganung mamahaling kotse. “Wala! Walang binigay, wala lahat. Kahit saan mong kanto. Kahit saan mong anggulo.

“Gusto mo pustahan pa natin 10 pesos, itong cellphone mo, plus 10 pesos. I-check mo lahat na sports car dealer kung may name ko sa resibo. Check,” napapangiting pahayag ni Andrew E.

Ang pinaghahandaan daw niya ngayon ay ang world tour ng mga nangampanya sa UniTeam. Magpapasaya raw sila sa mga kababayan na natin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang isa pang inaasikaso raw niya ay ang ipu-produce niyang isang Hollywood film, ka-partner ang isang production company sa Amerika.

Hindi lang daw muna puwede niyang sabihin kung sinong sikat na Hollywood actor ang bida sa ipu-produce nilang pelikula.

“For now, hindi pa puwedeng isiwalat ‘yung actor. Ang liberty ko lang sabihin ‘yung side ko.

“Ang side ng co-producer hindi pa puwede,” pakli ni Andrew E.

Dagdag pa niyang pahayag; “Last January, nag-open ako ng American office and company, Broadlive USA para makuha ko ‘yun. Kasi ‘pag wala kang company, hindi mo magagawa ‘yun.”

ATE GUY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with