^

PSN Showbiz

Bayani at Robin, nakabili na rin ng ari-arian sa Batangas

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Bayani at Robin, nakabili na rin ng ari-arian sa Batangas
Bayani
STAR/ File

Parami nang parami ang mga showbiz celebrity na may property sa Lobo, Batangas.

Nang magkita sa oath-taking ni Senator Jinggoy Estrada noong Tuesday night sa isang big Chinese restaurant sa Aseana Business Park ang Lunch Out Loud host na si Bayani Agbayani at ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, ang tungkol sa nasabing lugar ang topic ng usapan nila.

Mukhang may property na rin sa lugar na ‘yon si Bayani.

Enjoy nga sina Bro. Bo (tawag sa premyadong aktor) at Sandy kapag bumibisita sa beach house nila sa Batangas.

Isa pa si Gabby Concepcion sa mga taga-showbiz na may property sa Lobo. Tinanong ko nga si Bayani kung totoo ang tsikang balak kumandidato ng Kapuso actor sa lugar na ‘yon sa 2025 elections, pero wala raw siyang alam.

Isa pa nga pala sa narinig naming may property sa Lobo ay si newly elected Senator Robin Padilla.

May isa pang kilalang Kapamilya actor na may property rin doon, pero hindi lang sure ang taong tinanong ko kung naibenta na ‘yon.

May ilang lock-in projects na rin na ang location ay sa Lobo, Batangas.

Bongga!

Erap at Loi, present sa oath-taking ni Sen. Jinggoy

Masaya si Sen. Jinggoy sa kanyang oath-taking dahil nandun din ang parents niyang sina former President Joseph “Erap” Estrada at former Senator Loi Ejercito.

Isinabay na rin ni Jinggoy sa selebrasyon na ‘yon ang 33rd wedding anniversary nila ng misis na si Precy Ejercito.

Kung si Toni Gonzaga ang kakanta ng Lupang Hinirang sa oath-taking ngayon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang tinaguriang Koreanovela Diva naman na si Faith Cuneta ang kumanta no’n sa oath-taking event ni Sen. Jinggoy.

Abs-Cbn Ball 2022, pinaghahandaan

Pinaghahandaan na ng Kapamilya  Network ang ABS-CBN Ball 2022.

Ang mga artista nila, excited na rin para sa nasabing big event.

May mga sponsor na raw na kinakausap ang mga taga-ABS-CBN at excited din daw ang mga ito na mag-participate.

Hindi nakapag- ABS-CBN Ball nang dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

‘Yun na!

ERAP

JINGGOY

LOI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with