^

PSN Showbiz

Iginuhit … noon, naging kontrobersyal din

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Iginuhit … noon, naging kontrobersyal din
Luis Gonzales at Gloria Romero.

Naungkat sa mga kuwentuhan ngayon ang tungkol sa isang pelikula na magpapakita raw ng final days ng mga Marcos sa Malacañang noong 1986, base sa kuwento ng isang nakasaksi noon.

Pero mukhang matabang pa ang usapan. Aywan kung aabot iyan sa kalahati man lang ng inabot ng unang Marcos movie noong 1965, iyong Iginuhit ng Tadhana.

Itong Iginuhit ng Tadhana ay tungkol sa buhay ng da­ting pangulong Ferdinand Marcos, na ang bida ay sina Luis Gonzales at Gloria Romero. Lumabas na Dona Josefa sa pelikula si Rosa Mia, at kung hindi kami nagkakamali ng alaala, ang lumabas na mga anak nila roon ay ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, si Chona Vera Perez bilang Irene at lumabas din si President BBM bilang sarili niya sa pelikula. Tatlong batikang director ang nagtulung-tulong para magawa nang mahusay at mabilis ang pelikula, sina Mar S. Torres, Jose de Villa, at Conrado Conde.

Naging kontrobersiyal ‘yun dahil matapos na payagan ng Board of Censors, inilabas agad iyon sa mga probinsiya sa panahon ng kampanya.

Noong dapat ay magkakaroon na iyon ng premiere night sa Rizal Theater, binawi ng censors ang permit at hindi nailabas kahit naroroon na sa sinehan ang mga manonood. Dahil sa pangyayaring iyon, nag-resign bilang chairman ng Censors ang kolumnistang si Joe Guevarra, dahil pinalabas ang suspension nang hindi niya nalalaman.

 Nagkaroon ng malaking controversy at pina­yagan din naman ang pelikula makalipas ang ilang araw. Dahil sa controversy, naging isang malaking hit iyon sa mga sinehan.

Ang Iginuhit ng Tadhana ay binigyan pa ng special award sa Asian Film Festival, at nang sumunod na taon iyon ay isinali sa kauna-unahang Manila Film Festival noong 1966, at dinumog pa rin ng mga tao. Kaya nga nagkaroon pa iyon ng sequel, ang Pinagbuklod ng Langit.

Ang tanong, mapapantayan kaya iyan ng sinasabing bagong Marcos movie, o maabot kahit na kalahati lamang ng naabot noon?

Jeric, binlock na si Rabiya?!       

Biglaan naman yata ang sinasabing split na raw sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

In fact nai-block na raw ni Jeric si Rabiya sa kanyang social media account.

Hindi naman nakapagtataka iyan dahil sinasabi namang marami silang hindi mapagkasunduan.

Madalas din daw ang kanilang awayan. Pero may nagtatanong, ang nagtulak daw kaya ng tuluyang split ay “ang mga pictures na galing sa indie ni Jeric” na kumalat sa internet?

Hindi ba naniwala si Rabiya na iyon ay mula lang sa isang indie film? Hindi naman kasi binanggit man lang kung anong indie film iyon at kung sino ang baklang co-star na kahalikan ni Jeric sa pelikula.

Male star, minamalas sa pulitiko

Nganga na naman ngayon ang isang male star. Mukhang hindi na siya tinawagan, o pinapansin ngayon ng kanyang gay lover na politician na natalo noong nakaraang eleksyon. Ganyan din ang nangyari sa kanya sa una niyang gay politician lover, noong matalo ay iniwan na siya at sinabi pang siya ang malas.

Pero noon, ang advantage ay bata pa siya, eh ngayong mahigit na siyang trenta, alanganin na ang edad niya, hindi na siya makakapagmalaki.

Hindi na rin siya kasing sikat noong araw. At dahil medyo bagets pa siya noon. Ngayon ay mukhang wala na siyang katas.

Ang pag-asa na lang niya ngayon ay kung magbo-bold na lang siya sa internet movies, dahil wala naman siyang ibang mapupuntahan na.

GLORIA ROMERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with