^

PSN Showbiz

Juday tumapak ulit sa ABS-CBN, naungkat kung paanong leading man si Piolo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Juday tumapak ulit sa ABS-CBN, naungkat kung paanong leading man si Piolo
Melai, Juday at Jolina
STAR/ File

Masayang-masaya ang Queen of Philippine Soap Opera na si Judy Ann Santos sa kanyang muling pagtapak sa ABS-CBN bilang guest ku-momshie nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa Magandang Buhay.

“Isang taon na rin simula noong lumabas ako sa telebis­yon at masarap sa pakiramdam na nakabalik ako muli sa ABS-CBN compound. Napaka-pamilyar sa pakiramdam na nakita ko kayong lahat. Nagpapasalamat ako sa opportunity na ito dahil happy na happy ang puso ko,” sabi ni Juday sa live episode nitong Martes (Hunyo 21).

Ani ni Juday na ngayon na lang ulit siyang nagka-live show pero makukuha rin daw niya ulit ang tyempo sa hosting tulad ng co-hosts na sina Jolina at Melai.

“First time ko ulit magka-live show. Humanda kayo sa akin. Makakasanayan ko rin ‘yung mga sayawan sa umaga,” dagdag niya.

Dream come true naman ang pagiging guest ku-momshie ni Judy Ann para sa kumare nitong si Jolina samantalang blessed naman ang pakiramdam ni Melai dahil dalawang showbiz legends ang kasama niya sa show.

Sa naturang episode, nakatsikahan ng tatlo ang lead star ng Flower of Evil na si Lovi Poe pati na ang co-stars nito na sina Pinky Amador at Rita Avila, at direktor na si Darnel Villaflor. Napag-usapan nila ang role ng bagong Kapamilya star sa palabas bilang si Iris at ang feeling na makatrabaho si Piolo Pascual.

Saad ni Lovi, “He’s the most genuine actor na nakasama ko sa isang show. Napakabait niya at napakamaalaga. Very sincere as an actor. Lahat ng gusto mo sa isang guy nasa kanya.”

Samantala, hindi rin nakalagpas si Juday na tanungin din kung paano naman as a leading man sa kanya si Piolo.

“Actually, Piolo is a very good actor. Professional siya. Mahusay siyang magpakilig. Alam niya ‘yung timpla niya,” sabi niya.

Mas lalong magiging masustansya at masarap ang umaga ng viewers ng  Magandang Buhay dahil makakasama nga nina Melai at Jolina si Judy Ann sa darating na fresh episodes ng morning show.

Mapapanood ang Magandang Buhay mula Lunes hanggang Biyernes 9 a.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

XOXO, nagbabalik

Kapuso girl group XOXO showcases the different side of their vocal prowess via their latest single under GMA Music, My Miracle.

Ang kantang ito ay tungkol sa paghahanap ng pag-asa sa pamamagitan ng inspirasyon, sa gitna ng mga paghihirap na nararanasan.

Binubuo nina Riel Lomadilla, Dani Ozaraga, Mel Caluag, and Lyra Micolob, the group can’t deny their joy and excitement as they make a brand-new single, “Mixed emotions ang nararamdaman namin ngayon, siyempre we are very happy. na tayo ay bumalik sa landas. May pressure rin na kaunti kasi we see that the P-pop world is really booming, we want to show more of XOXO,” ani Dani.

“We rehearsed together since wala nang lock-in taping yung iba. Nag-try rin kami mag-vlog para may aabangan sila [XOldier] sa aming Youtube channel.”

Samantala, ibinahagi ni Mel kung gaano kaiba ang kanilang bagong kanta. “Mas ipapa-feel namin ang emotion because slow song ito. We will harmonize as one because of our different types of voice.”

She added that this is a song of hope, “Kahit anong nangyari these past few years, kailangan nating bumangon dahil palaging may positive things sa mga darkness side na nangyayari sa buhay natin.”

Inaasahan ng grupo na mas marami pang kanta ngayong taon. “May mga plano na po kami for that. Kaya may aabangan pa po kayo from us,” shared Lyra.

Samantala, ibinunyag ni Riel na nais din nilang maki-collab sa iba pang mga mang-aawit. “As a group and as individuals, we have artists that we look up to and we would love to work with but so far it has been a dream of ours to work with an amazing rap artist like Gloc-9 if given a chance,” sabi ni Riel.

My Miracle is composed by Lolito Go, and produced by Paulo Agudelo under GMA Music. Kasalukuyan na itong napapakinggan sa iba’t ibang digital streaming platforms worldwide. 

JUDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with