Rocco, naiyak nang maramdaman ang sipa ng anak
Ang mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing ang ilan sa celebrities na dumalo sa premiere night ng Korean film na The Roundup nung nakaraang Lunes, June 20.
Ang laki na ng tiyan ni Melissa, na six months na pala ang dinadala.
Katatapos lang ni Rocco ng taping sa First Lady kaya madalas silang magkasama at ang hinihintay raw ni Rocco ay maramdaman ang pagsipa ng baby. “’Yung first niya na na-feel, umiyak siya. Sayang hindi ko nakunan e,” napapangiting kuwento ni Melissa.
Iba raw kasi talaga ang feeling na nararamdaman na niya ang baby sa loob ng sinapupunan ni Melissa. Baby girl pala ang gusto ni Rocco, at boy kay Melissa. “Sana girl ‘yung next, para sa kanya,” pakli ni Melissa.
May sampung names na raw silang napili, at pag-uusapan pa raw nila kung alin dun ang pipiliin nila. “Karamihan sa Bible. Kasi blessing eh. Matagal na kaming nagta-try, ayun tapos nangyari,” sabi ni Rocco na gusto raw nila talaga ay pang-Christian ang name.
May listahan na rin sila ng ninong at ninang, pero hindi raw nila nakakausap ang mga ito. “Siyempre, excited nga kami. I’m sure naman mag-oo naman ang aalukin naming Ninong at Ninang, kasi close namin talaga,” sabi pa ni Rocco.
Medyo okay na raw ngayon ang pakiramdam ni Melissa, at nalagpasan na niya ‘yung hirap ng paglilihi. “’Yung first trimester talagang medyo hell na months for me. Pero, masaya na ako kasi nasa babymoon stage na. So, nakakalabas na, nakakanood na ng movies, nakaka-date na kami, and looking forward sa last trimester,” saad ni Melissa.
Kung si Rocco ang masusunod, gusto niyang huwag munang tumanggap ng trabaho hanggang sa nakapanganak ang kanyang asawa, pero si Melissa raw mismo ang nagsasabing ituloy lang ang trabaho kahit malapit na siyang manganak. Meron pa siya kasing susunod na gagawin sa GMA 7. “Ako ang may gustong mag-leave, siya ang ayaw. Gusto niya mag-work ako. Sana makaya, mag-work lahat,” sabi pa ni Rocco.
Samantala, na-enjoy namin itong Korean action-comedy na pinagbibidahan nina Don Lee at Son Sukku na The Roundup.
Kasu-showing lang nito sa South Korea at nag-hit ito. Kaya ito na nga raw ang number one Korean film ngayong taon.
Ang galing ng Glimmer Inc. na nagawa nilang i-distribute agad dito sa Pilipinas.
Ang Korean TV host at disc jockey na si Grace Lee ang CEO ng Glimmer Inc. at excited siya rito na first distribution nila sa Pilipinas.
“We’re producing some original Filipino movies. But the Filipino movies we’re doing here will be co-production with Korea.
“Gusto kong ipakita ang ganda ng Pilipinas at ang talento ng mga Pinoy. Kaya may mga proyekto din kami coming out.
“Pero, when it comes to movie distribution, ito ‘yung kauna-unahan at meron pa itong kasunod sa August. Meron din sa December,” pahayag ni Grace Lee.
Ngayon araw na ang showing ng The Roundup na simultaneous na showing sa South Korea.
- Latest