Dagul, inilahad ang hirap sa pandemya
Matapos ikumpisal kay Jessica Soho ang hirap na dinaranas ngayon ng komedyanteng si Dagul na paraket-raket na lang sa kanilang barangay at hirap nang maglakad, ihahandog ang Magpakailanman hosted by Ms. Mel Tiangco ang mas nakakaantig na kuwento ni Dagul bilang isang dakilang ama kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day bukas, Linggo, sa episode na pinamagatang Ang Dakila Kong Ama: The Dagul and Jkhriez Pastrana Story, ngayong Sabado, 8:15 p.m.!
Inamin ni Dagul na hirap siya ngayon sa pagsuporta sa pamilya lalo na nga at hindi pa nakakatapos ang dalawa niyang anak at ang isa ay katulad rin niyang ‘little people.”
Si Dagul o Romy Pastrana sa totoong buhay ay aminadong hindi pang-comedy ang kalagayan ng buhay umpisa nang magkaroon ng pandemya.
Naubos ang kanyang ipon sa showbiz at minsan dahil hindi na raw niya kayang buhatin ang katawan ay nagwi-wheelchair na lang o kaya ay kinakarga ng anak papunta sa barangay hall kung saan siya nagta-trabaho at sumusuweldo ng P12,000 na kulang na kulang aniya sa kanilang pangangailangan.
Pero nagpapasalamat si Dagul na may ilang mga dating kasamahan niya sa trabaho ang ‘di nagdamot ng tulong kabilang na si Benjie Paras na personal pa siyang pinuntahan sa kanilang bahay sa Rodriguez, Rizal. “Sabi ko sa mga anak ko, ‘Tiis-tiis lang. Ganun talaga ang buhay, hindi ‘yung lagi tayong nasa itaas, minsan nasa ibaba,” aniya pa niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
- Latest