Isang parte ng MET, nasunog
Nakakapanghinayang ang nangyari sa Metropolitan Theater na nasunog kahapon ng umaga.
Ayon sa report ng DZRH, bandang 8:55 ng umaga nagsimula ang sunog na umabot ng second alarm.
As of presstime ay iniimbestigahan pa raw ng Arson investigators kung saan at ano ang pinagmulan ng sunog.
Sa nakita namin sa FB live ng DZRH, nasa labas na ang mga upuan na napakabago pa naman.
Hindi pa ito tapos na tapos dahil meron pang ibang bahaging ginagawa.
Isa sa nakaka-text namin para hingan ng pahayag ay ang Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño.
May naka-schedule pa kasi silang event doon kaugnay sa PeliKULAYa LGBTQ+ Film Festival. “Nakakapanlumo siyempre dahil ngayon pa lang nag-uumpisa na bumalik muli ‘yung kinang ng MET. Kaka-restore lang ng MET. ‘Di pa nga tapos lahat.
“May screening dapat ng Markova starring Dolphy, on Sunday, June 19 for PeliKULAYa LGBT Festival. We are coordinating right now with the management of MET. Ang mahalaga, walang nasaktan. Pero sana hindi ganoon kalaki ang damage.”
Nagpahabol ng text sa amin si Madam Liza, at sinabi naman daw ng taga-MET na tuloy ang screening nila ng Markova sa darating na Linggo.
Naka-text ko rin si Cong. Vilma Santos-Recto na nai-vlog pa niya ang pagdalaw nila sa MET na sobra niyang ikinatuwa. “Sooo sad! Masaya pa kaming na-feature ‘yun sa vlog ko!
“Plano pa namin magkaroon ng special show dun! SAD! We’ll just wait and see kung ano ang magiging decision ng NCCA. We are here to support.”
Naglabas na rin ng pahayag ang Metropolitan Theater at sinabi nilang maliit na sunog lang daw ‘yun sa isang kuwarto ng contractor na kung saan nandun daw ang mga lumang upuan.
Hindi naman daw napinsala ang iba pang bahagi ng MET.
Bahagi ng kanilang pahayag: “Nagmula ang sunog sa isang silid sa unang palapag ng Padre Burgos Wing ng gusali na pangkasalukuyang isinasaayos sa ilalim ng Phase III ng proyekto. Hindi na kumalat pa ang sunog sa ibang bahagi ng complex o ng Tanghalan, at tuluyang naapula ng pasado alas-9 ng umaga.”
Paolo, nairita sa pagnanakaw sa kanyang caldereta post
Sandaling nakatsikahan ko rin si Paolo Contis sa telepono kahapon at parang irita ito sa kung sino man ang naglabas ng post niya sa Facebook account dahil naka-private naman daw ito.
Kinulit ko na siya kung ano ang masasabi niya sa ‘caldereta post’ niyang ‘yun na marami na ang pumik-ap at pinagpiyestahan na naman ng bashers.
Nadismaya lang daw siya sa kung sino man sa FB friend niya ang naglabas nito, na siguro gusto lang maka-scoop. “Masyado nang pakikialam sa buhay ng may buhay,” pakli ng Kapuso actor.
Kasi nagmagandang loob lang nga naman si Yen Santos na padalhan siya ng caldereta kung anu-ano pa ang sinasabi ng ilang bashers.
“Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin, huwag kami,” himutok ni Paolo.
“Bash sila nang bash, busog naman ako!”
Ang ending, hinaharbatan ko na lang si Paolo ng caldereta na luto ni Yen. Balak daw niya talagang bigyan ang manager niyang si Nay Lolit Solis dahil alam niyang mahilig ito sa pagkain.
Nasa All-Out Sundays din siya, at hopefully raw matutuloy na ang pelikulang pagsasamahan nila ni Joross Gamboa.
Magaling daw na aktor si Joross at natsa-challenge daw siyang makasama ito sa isang film project.
Proud naman kasi siya sa galing daw magluto ni Yen, kaya inaalala niyang baka tumaba na naman siya.
Napapasarap kasi sa kanin ang mga luto ng aktres. Baka nga ipagluto na ni Yen ng adobo si Paolo dahil ni-request din niya ito.
Ewan ko lang kung ipu-post pa ni Paolo ‘pag may adobo na siya. Masarap din daw kasi ang adobo ni Yen.
Tingnan natin kung may mag-Marites na naman na ilabas kung sakaling magpu-post si Paolo.
Sabi naman ng Kapuso actor sa akin, huwag na raw uriratin pa kung ano ang susunod niyang ulam na luto ni Yen. Baka interesado naman daw kami sa susunod niyang project.
Naaaliw siya sa regular taping nila sa Bubble Gang dahil mas nagustuhan ng mga manonood
- Latest