Morissette, bagong Jukeboss sa Sing Galing kids
Malugod na sinalubong ng TV5 ang Asia’s Phoenix na si Morissette.
Matapos niyang ipakita ang talento at galing sa international stage, ibabahagi naman ni Morissette ang kanyang pagmamahal sa musika sa mga young aspiring singers ng Sing Galing Kids.
Ang Sing Galing ang pinakaunang karaoke game show sa bansa at ngayon ay magtatanghal naman ng kauna-unahang kids’ edition nito.
Si Morissette ang pinakabagong Jukeboss ng Sing Galing Kids at makakasama niya ang mga tinitingalang OPM hitmakers at showbiz icons na sina Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado, Ronnie Liang, Ethel Booba, Allan K, Ariel Rivera, Jona, at Mr. Rey Valera. “I am truly honored to be a part of a family that celebrates the precious talents of our young singers. I am proud to witness the start of their journeys,” sabi ni Morissette.
Sa nakaraang media tour ni Morissette para mag-promote ng Sing Galing Kids, sinalubong siya ng CEO at President ng Cignal at TV5 na si Mr. Robert P. Galang sa Cignal Store ng TV5 headquarters, Reliance, Mandaluyong. “With the network’s thrust to champion content creation, we are very happy to see Morissette as part of a TV5 entertainment program once again. Tracing her beginnings as a young talent on TV5 can be an inspiring memory to a lot of the kids who look up to her as a successful singer,” pahayag ni Mr. Galang.
Nagsimula si Morissette bilang contestant sa Star Factor ng TV5. Nakuha naman niya ang titulong Asia’s Phoenix noong nag-perform siya at ni-represent ang Pilipinas sa 14th Asia Song Festival sa South Korea noong 2017. Maraming natuwa at napahanga sa ganda ng kanyang boses at nagkaroon siya ng maraming Korean fans.
Sa pangunguna ng mga host na sina Randy Santiago, K Brosas at Donita Nose, nais ng Sing Galing Kids na ipagpatuloy ang kantawanan experience para sa buong pamilya.
- Latest