Darna at Lolong, may tapatan sa July; Probinsyano, ‘di pa rin alam kung tatapusin na?!
Darna at Lolong, may tapatan sa July; Probinsyano, ‘di pa rin alam kung tatapusin na?!
Parang wala na talagang atrasan ang pagpapalabas ng upcoming primetime series ng GMA 7 na Lolong. Last Wednesday ay naglabas na naman sila ng bagong teaser na pinag-interesan ng netizens.
Lolong is bannered by Ruru Madrid.
Ang nasabing teaser ay hindi lamang nagbigay ng sneak-peek ng mga maaksyong eksenang aabangan ng mga manonood mula sa GMA Public Affairs series na magpi-premiere ngayong Hulyo, kundi madidiskubre rin kakaibang buhay ni Lolong (Ruru).
Sigurado ring nagulat ang fans nang makita ang beteranang aktres na si Gina Pareño sa isa sa mga eksena nila ni Ruru kung saan nakikita siyang nagbibigay ng payo kay Lolong.
Also seen in the teaser were character actors Ryan Eigenmann and Mon Confiado seeming to wage war against a group of what they called “Atubaw.”
“Goosebumps! Di na ako makapagintay na mapanood ang Lolong!” tweet ni Ruru.
More than a year nang inanunsyo ng GMA ang powerhouse cast ng Lolong. Kasama ni Ruru bilang leading ladies ang kanyang co-Sparkle artists na sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. Bahagi rin ng cast sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Maui Taylor, Ian de Leon, DJ Durano, Marco Alcaraz, at Mikoy Morales. May special participation naman sina Leandro Baldemor at Priscilla Almeda.
Isang action-adventure series ang Lolong na nakasentro sa pambihirang pakikipagkaibigan ng isang lalaki sa isang higanteng buwaya na nagngangalang Dakila.
Ang Dakila ay gawa sa fiberglass na katawan at silicone na balat. Gumamit ang production team ng pneumatic technology at air compressor para patakbuhin ang Dakila. Gagamitin din ang computer-generated imagery (CGI) para gawing mas makatotohanan itong nilalang.
Directing Lolong are Rommel Penesa and Rado Peru.
Ngayong July din ang sinasabing airing ng Darna starring Jane de Leon na matagal ding naudlot nang naudlot bago talagang natuloy ang taping nito.
Pero wala pang official announcement kung finally ay mag-e-ending na nga ang Ang Probinsyano ni Coco Martin matapos uli siyang mabuhay sa mga eksena.
Akala kasi ng iba ay wawakasan na ang pakikipaglaban ni Cardo Dalisay pero nakaligtas siya.
Kaya confused pa rin ang ibang viewers kung tatapusin na nga ba ito dahil sa taas din ng live viewers sa digital platforms na umaabot minsan sa 250,000.
May ilang insider na ang nagsabing hanggang June 30 na nga lang ang Ang Probinsyano pero walang official statement tungkol dito.
Wala rin daw sinasabi ang production sa cast ng Ang Probinsyano kung tatapusin na nga ang kuwento nito after seven years.
Aside from Jane, bida rin sa Darna series sina Joshua Garcia and Janella Salvador.
Pero ang isang tiyak na magtatapos na ay ang The Broken Marriage Vow. Last two weeks na lang ito na consistent talaga sa number 1 trending sa streaming platform na Viu and iWantTFC.
Grabe ito, ang daming iiwang “gigil” na mga eksena tulad ng :
“Simula sa araw na ‘to? Ako ang magsasabi kung kailan, saan, at kung paano ko ito tatapusin.
“Papunta pa lang tayo sa exciting part”
“Your daughter is sleeping with my husband”
“Nabuntis ni David ang anak ninyo at pumunta siya ng Amerika para ipa-abort ang bata.”
- Latest