AiAi puwede pa rin sa Quezon city , Councilor Lagman ‘di nasindak sa pang-aasar ng direktor na si Darryl Yap
From Pro Ecclesia et Pontifice Awardee to Persona Non Grata recipient. Ito ang ‘running joke’ sa Twitter kahapon matapos ngang ideklarang Persona Non Grata sina AiAi delas Alas at direktor na si Darryl Yap sa pambabastos noong kampanya sa official seal ng Quezon City.
Inaprubahan ng Quezon City council ang resolution na inihain ni District IV Councilor Ivy Lagman kung saan ginamit nina AiAi at Darryl Yap ang triangular seal para sa kampanya ng isang kumandidatong mayor sa QC – isang 21-second video na posted sa Vincentiments Facebook page.
Oo naman, mahusay sa pang-aasar ang nasabing direktor, pero iba ang pang-aasar sa pambabastos.
Saka maging aral na rin ito sa mga malakas ang loob na mambastos sa social media. Hindi naman tamang nagagamit ang digital platforms sa bastos na pamamaraan.
Tama naman si Councilor Lagman na hindi tamang gawing kahiya-hiya ang official seal para sa personal at selfish na interest lang.
As expected, pang-asar ang sagot ng director – na taga-Mandaluyong siya at maghahanap pa siya ng condo sa QC.
Si AiAi naman daw ay nasa Amerika.
Pero at the end of the day, kasama na rin sa ‘achievements’ nila ang pagiging Persona Non Grata sa QC kahit pa insultuhin ng direktor ang councilor ng QC na nag-file ng resolution na dinaut-daut niya nga na hindi niya raw maalala ang pangalan dahil talunan.
Anyway, sinabi naman ni Councilor Lagman sa interview ng One PH na : “Makakapunta pa rin sila sa Quezon City kasi it is just a resolution. Wala siyang ordinance. Wala siyang kaakibat na penalty. So puwede pa rin silang pumunta, puwede silang mag-transact but gusto naming ipaabot na ‘yung ginawa niyong pambabastos sa seal ng QC ay hindi acceptable sa mga taga-QC.”
‘Yun nga ‘yun, hindi naman kailangan banned, pero ang bottomline Persona Non Grata ka pa rin kahit pa anong gawing pang-iinsulto sa nasabing councilor na inaya pa niya sa parlor bilang sagot sa mga sinabi nito.
Hahaha.
- Latest