Ang Mga Sasalang Sa Ere
Fourteen years. Four radio stations. One DJ. Ako ‘yun! (at still counting ha!) Kahit pa ‘di ko na-imagine noon na magiging radio jock ako, mahal ko na syempre ang propesyong ito dahil dito ako dinala ng universe. (kahit pa gusto ko talaga maging sexy actress!)
Noon marami akong nami-meet na gustong maging DJ. Hindi ko lang sigurado ngayon bilang baka mas marami na ang gustong mag-tiktok o pumasok sa Pinoy Big Brother House! (bukas pa ba ang pinto nila?!) Pero para sa mga interesado at nagtatanong kung anong mga pwedeng kong i-share sa mga nagnanais umere sa FM radio. Meron akong 5Cs. (lakas maka-ascorbic acid!)
*Character:
Maraming taga-radyo na magsasabi na pinakamagandang image mo on air ay “be yourself”. Ok naman ‘yun. Kung kakagatin ng tao ‘yung pa-be yourself mo, congratulations! Pero kung hindi, dapat magkaroon ka ng character na ipo-project mo sa ere. Isang character na kaya mong panindigan. Para lang pag-aartista ‘yan. ‘Yung magaling na kontrabida kinaiinisan ng manonood, pero ‘di ibig sabihin kontrabida s’ya sa tunay na buhay. (minsan mas maldita pa talaga ‘yung bida in real life!)
*Connection:
If ready ka na sa character mo, isipin mo para kanino ba ‘sya. Sino ba ang makaka-relate sa mga sasabihin ng character mo. Kailangan mag-establish ka ng connection sa mga makikinig sa’yo. Kasi mamaya, tuwang tuwa ka na sa mga pinagsasabi mo, ‘di naman pala gets ng listener. Importante ‘yung ‘pag umeere ka, parang kausap mo lang sila. (baliw-baliwan ka nga lang kasi nagsasalita ka mag-isa sa radio booth! Unless may ka-tandem ka!)
*Content:
May character ka nga at kilala mo na ang audience mo pero wala namang saysay ang programa mo, balewala rin. Lagyan mo ng laman, base sa kung anong character meron ka at kung sino kausap mo sa ere. Mahalaga pa rin bilang radio jock, ‘yung nagbabasa, nagre-research, nag-aaral at inaalam ang mga bagay-bagay sa paligid. Minsan ‘yung simpleng personal experience na sinamahan ng either aral o comedy ay pwede nang maging topic. (bawal ang dead air! Or else dead ka!)
Creativity:
Ang FM band ay bahagi ng entertainment industry kaya mahalaga ‘yung paano mo mailalatag ang radio show mo nang mae-engganyo ang makikinig. ‘Yung makikinig sila kasi naaa-liw sila o inaabangan ka nila kasi natutuwa sila. (hindi ‘yung marinig palang nila boses mo, lumilpat na sila agad!) Imporante ‘yung maayos at malinaw na format ng programa. Ito ay magpapatibay sa content na naisip mo. (kahit pa anything goes ‘yang concept mo, dapat creative pa rin ang pagsalpak!)
Clarity:
Normal minsan ‘yung mag-buckle ka on air. Pero kung palagi na lang. Sayang naman ang binabayad sa’yo at nakakahiya naman sa mga nakikinig sa’yo. (well, nakakahiya rin naman on your part ha!) Bilang Radio jock (na considered broadcaster ha!) inaasahan na naiintindihan ang sinasabi mo sa ere (kahit pa minsan tawa lang nang tawa ‘yung dj!) Alam mo kung ano ‘yung sinasabi mo, at tama ang mga hanash mo (including pronunciation ha!) Kung may babasahin, pwede namang basahin bago buksan ang mikropono. Kung adlib naman ang gagawin, pwede namang i-organize ang thoughts bago kumoda. Lagyan din ng konting modulation ang boses para naman ‘di mo katunog ‘yung nilalagareng yero!
(hello mic test! mic test! 1, 2, 3, 4, 6, 7, 8!)
MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 7pm-9pm, Mondays to Fridays. TITIMG on PSN FB, 12nn-1pm, Tuesdays)
(Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest