^

PSN Showbiz

Angelika dela Cruz kinastigo 'politically motivated' death threat

Philstar.com
Angelika dela Cruz kinastigo 'politically motivated' death threat
Litrato ni Angelika dela Cruz (kaliwa) at kuha ng apat na balang ipinadala sa kanila (kanan)
Mula sa Facebook page ni Angelika dela Cruz

MANILA, Philippines — Kinundena ng aktres at  barangay captain sa Malabon na si Angelika dela Cruz ang itinatakbo ng pulitika sa Pilipinas matapos padalhan ng mga bala, bagay na banta raw sa kanyang buhay.

Sa kanyang Facebook post, Martes, makikita ang isang lukot-lukot at punit-punit na papel na may kalakip na apat na bala ng baril.

"Napaka dumi po [talaga] ng politika sa ating bansa," sabi ng kapitana mula sa barangay Longos sa lungsod ng Malabon.

"['Yan] po ang sulat at bala na pinadala sa XO ng aming Barangay na nagsasabi na may [apat] daw na susunod at kaya may umiikot na ['di] kilala sa bahay naming magkapatid."

Nakakuha naman ng suporta mula sa netizens ang sikat na '90s actress. Maliban pa rito, wala na siyang ibang ibinigay na detalye sa nangyari o kung may kakasuhan ba siya kaugnay nito.

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Bangkok, Thailand si Angelika.

Huling lumabas sa telebisyon si Angelika sa Kapuso seryeng "Little Princess" na katatapos lang nitong Abril. — James Relativo

ANGELIKA DELA CRUZ

MALABON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with