^

PSN Showbiz

Jodi, namimili ng papatulan!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jodi, namimili ng papatulan!
Zanjoe at Jodi
STAR/ File

Maraming natutunan si Jodi Sta. Maria sa pagganap bilang si Dra. Jill sa The Broken Marriage Vow na last three weeks na lang.

“From the whole series, siguro na, if I only move towards the direction of our decision so we have to really choose wisely, choose our battles. If you’re given the chance to fight and to let go, that’s up to you. But if you were like given a chance to treat the person the same way that that person treated you, I always hope that we choose the high road and that we always choose to do better,” pahayag ng actress na talagang hinangaan sa kanyang ginampanang role na isang doktora na niloko ng asawa.

Aminado ang actress na hindi kasi madali ang nasabing role dahil may adaptation na ito sa iba’t ibang bansa : “Naging challenge talaga is paano s’ya mapapaiba doon sa mga nauna, kasi hindi naman tayo kumokopya. Syem­pre sumusunod tayo sa arko ng kuwento na meron na sila, ‘di ba, pero syempre paano ba natin ‘to ikukuwento bilang Pilipino, bilang tayo. ‘Yung proseso was, I would always consult, of course, my directors, si direk Connie (Macatuno)nagva-viber kami na parang ‘Direk, ano sa palagay mo pwedeng gawin dito. Tama ba ‘tong ganito? Pano kung dito natin sya panggalingin’ and then she would also give her two cents kung ano ‘yung vision niya, kung ano ‘yung nakikita nya dun sa character na maaaring hindi ko nakikita.

“Ganun din si direk Andoy (Ranay) na, I remember na pinadalhan ko siya ng picture ng yellow pad ng mga notes ko kung pano ko naiisip o naiintindihan si Dra. Jill and then si direk Andoy naman would reply and then just put in ‘yung ideas din niya. It’s really a collaboration of everyone. Hindi ko pwedeng sabihin na ako lang nakaisip nito, hindi ganun, eh,” paliwanag ni Jodi sa ginanap na finale conference last Monday.

“It’s really everyone working together, parang I’m just part of a whole, kumbaga, mas nabigyang buhay ‘yung karakter ni Doctora (Jill) pati ng ibang cast dahil sa lahat din naman ng tao na nagsama-sama para mabuo ang The Broken Marriage Vow. Malaking tulong na nabigyan tayo ng napakagandang location, nabigyan tayo ng napakahuhusay na mga Filipino designers na mga creations nila ang isinuot sa programa. Syempre it’s always a blessing to be working with great actors kasi napapadali ‘yung trabaho naming mga artista kung mapagbigay ang isa’t isa. It’s really just the whole team talaga. I am just so proud to be here and to be part of this wonderful project na talagang mapagmamalaki natin globally,” pahayag pa ni Jodi pero sinabi ring nasagad siya rito at umabot sa muntik na niyang iwan ang pag-aartista.

Anyway, nang tanungin naman si Zanjoe Marudo kung ano ang naging impact ng cha­racter ni David sa kanya, ang nanlokong asawa : “Kung anuman ‘yung pinakamapait o kung anuman ‘yung hindi magandang nangyari sa past laluna nung ikaw pa ‘yung anak tas ikaw na ‘yung bumubuo nung pamilya sana huwag mo nang bitbitn. Huwag ka nang maghiganti, huwag mo na siyang dalhin sa susunod na chapter ng buhay mo kasi ikaw naman talaga magdi-direct kung saan ka pupunta, nasa sarili mong desisyon ‘yun, lahat ng bagay. Kasi kung punong-puno ka ng galit at paghihiganti pati mga taong kasama mo sa present, maaapektuhan, madadamay laluna ‘yung magiging anak,”  banggit ng aktor.

Anyway, sukdulan na ang gigil ni Jill (Jodi Sta. Maria) para protektahan ang kanyang dignidad at anak niyang si Gio (Zaijian Jaranilla) sa umiinit na mga eksena sa huling tatlong linggo ng The Broken Marriage Vow: The Shocking Part sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Iniisa-isa na ni Jill ang kanyang mga bagong diskarte upang mapalayo sa dati niyang asawang si David (Zanjoe Marudo) dahil hanggang ngayon, ginugulo pa rin nito ang buhay ng mag-ina.

Nilalamon na kasi si David ng kanyang kahibangan dahil hindi niya matanggap na naisahan siya ni Jill at maski ang anak niyang si Gio ay kinasusuklaman siya.

Habang patuloy ang panloloko at pagsisinunggaling ni David, desidido si Jill na ipamukha kay Lexy (Sue Ramirez), ang asawa ni David, na hindi pa rin ito nagbabago.

Una nang inamin ni Jill kay Lexy na may nangyari sa kanila ni David at balak naman ngayon ni Jill na ilantad ang lahat ng baho ng dati niyang asawa.

Mapapraning naman si Lexy sa mga kalokohan ni David at unti-unting guguho ang kanyang mundo. Hindi rin papayag si David na magmukha siyang talunan kaya gagawin pa rin niya ang lahat upang kontrolin ang buhay nina Jill at Gio, at manipulahin ang relasyon niya kay Lexy.

Ito na talaga ang exciting part.

JODI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with