Kristel Fulgar handa nang umarangkada
Tuloy-tuloy na ang inaasahang pamamayagpag ng Pinoy celebrity at K-content “kween” na si Kristel Fulgar!
Kamakailan lamang ay pumirma ng kontrata si Kristel para maging ekslusibong artist ng NYMA o Now, You Must Aspire, ang bagong tatag na talent management agency ng KROMA Entertainment.
“I signed with NYMA because they saw the potential in me. Nakaka-happy lang ng heart na may mga taong nagtitiwala sa iyo katulad ng NYMA,” ayon kay Kristel.
Masaya ding ibinalita ni Kristel sa kanyang social media accounts ang kanyang desisyon.
“I am now a NYMA talent! 20 years in the industry but I feel like I’m just getting started. Naniniwala akong this agency will change how talent management is done sa bansa. Salamat sa tiwala, @nyma_mgmt! Excited to work in front of and behind the camera with you!” pahayag niya.
Kinikilala ng NYMA ang napakalaking talento ni Kristel, at desidido itong itulak pa ang kanyang galing. Gamit ang pinaghalong traditional at digital na pamamaraan, hindi lamang pang TV, radyo, pelikula, at live events ang NYMA. Sakop din nito ang mundo ng social media, advertisements, at influencer marketing.
Si Kristel ay isang artista, mang-aawit, vlogger, at direktor. Nagsimula siya sa sikat na pambatang TV program na Goin’ Bulilit sa edad na walong taon.
Naging bahagi rin siya sa mga hit na soap opera gaya ng Maria Flordeluna, Dahil sa Pag-Ibig, Got to Believe, La Luna Sangre, Pangako Sayo, at Ngayon at Kailanman.
Mula sa pagganap sa telebisyon, nagbago ang direksyon ng career ni Kristel noong 2016 nang mag-viral ang cover niya ng isang kanta habang nagmamaneho. Ito ang naging simula ng regular na paggawa niya ng iba’t-ibang content na humakot ng milyon-milyong mga followers.
Noong nakaraang taon, nakamit ni Kristel ang isa sa kanyang pinakamalaking pangarap sa buhay – ang pagdi-direct at paggawa ng sarili niyang 8-episode web drama series na Love From Home. Ito ay kinunan sa Korea at Pilipinas sa panahon ng pandemya kasama ang isang skeletal crew.
- Latest