JC at Joseph, naging busy sa ginawa ni Kit
Tsugi na rin si Kit Thompson sa digital series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask. Pumutok ang isyung pambubugbog niya sa girlfriend na si Ana Jalandoni sa Tagaytay pagkatapos na pagkatapos magkaroon ng digital media conference ng nasabing series na mapapanood sa Puregold Channel starring Herlene Budol.
Pinalitan siya ni Joseph Marco bilang leading man sa 13-episode romantic comedy series.
Ito sana ang kauna-unahang leading role ni Hipon Girl, napisil si Marco na kilala sa kanyang onscreen credits sa Sabel, Honesto, Pasion de Amor at Wildflower. “Sobrang lucky ako na kasama ko si Joseph Marco para sa show na ito. Siyempre, you always want to work with the best, kaya ang saya ko talaga noong nalaman ko na si Joseph Marco ang leading man ko,” hirit ni Herlene.
“Napaka-exciting na opportunity ang ibinigay ng Puregold sa akin,” Herlene gushes of. “Gusto ko ipakita sa lahat ng followers at Hiponatic supporters ang kakayahan ko bilang isang leading lady,” dagdag nito na official candidate ngayon sa Binibining Pilipinas.
Produced by award-winning filmmaker Chris Cahilig, and directed by critically-acclaimed Victor Villanueva, kuwento ito ni Malta na nakilala ang guwapo ngunit sawi sa pag-ibig na si Sieg, na ginampanan ni Joseph at magsisimulang i-stream every Saturday, 6 p.m., beginning June 11, 2022.
Nauna nang nawala ang role ni Kit sa Flower of Evil at pinalitan naman ni JC de Vera, starring Piolo Pascual and Lovi Poe.
Katulad sa Ang Babae sa Likod ng Face Mask, halos tapos na ang taping ng character ng actor sa dalawang series pero tsinugi dahil sa ginawa nitong pananakit sa ex-girlfriend na ngayon naman ay busy sa paggawa ng pelikula with Aljur and Vin Abrenica.
- Latest