^

PSN Showbiz

Pelikulang tagalog na pinalabas sa selected theater, P600k lang ang kinita

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Grabe, nakakalungkot ang resulta ng isang Tagalog film na ipinalabas sa ilang sinehan kamakailan.

Yup, may isang local movie na ipinalabas recently sa mga sinehan ng isang mall chain.

Pero malungkot na malungkot ang kapalaran.

Sa ilang araw daw nitong pagpalabas, kumita lang diumano ito ng P600,000.

Yes ganun kaliit, kakalungkot, ‘di pa umabot ng isang milyon.

Sana nga ay magbago ang kapalaran ng local movies sa mga sinehan.

Pag foreign kasi ang laki ng kita, pila-pila kasi ang nanononood, na kung sabagay ay hindi mo naman puwedeg ikumpara in terms of production.

Though ganun pa rin. Saan na kaya napunta ang pagmamahal sa sariling atin?

Maraming nakapilang pelikulang ipalalabas sa sinehan at sana talaga ay tangkilikin ng manonood ang pelikulang Tagalog.

Ruffa, ayaw mag-comment sa bigay na relos ni Kris sa ex

Ayaw mag-comment ni Ruffa Gutierrez sa bigay na relos ni Kris Aquino sa kanyang ex na nali-link ngayon kay Ruffa na itago natin sa pangalang Herbert Bautista.

“Wala akong alam dun, ayoko, wala akong comment, di naman sa akin binigay,” mabilis na sagot ni Ruffa G. nang makasabay namin sa Bambbi Fuentes Salon kahapon ng tanghali.

Nabanggit nga ni Nay Lolit Solis last Tuesday sa Take It... Take It.. Me Ganon! with Mr. Fu na sinabihan na niya ang isang malapit sa dating pulitiko na isoli na ang nasabing relos kay Kris bago pa ito bawiin.

Diumano’y worth P3.5 million ito.

Samantala, wala pang latest update kay Kris sa kasalukuyan pero kumakalat sa ibang chat group na diumano’y naka-intubate ito sa kasalukuyan.

Na ‘wag naman sana. Nawa’y hindi ‘yun totoo.

PELIKULA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with