Moira, napuno sa huling ginawa ng mister?!
MANILA, Philippines — Grabeng makasawsaw ang ibang self-proclaimed influencer sa controversial at maingay na hiwalayan ng mag-asawang Jason Hernandez at Moira dela Torre.
Parang alam nila ang mga pangyayari.
May iniisyu pang bading diumano ang third party. At may ikinalat pa silang picture.
Nauna na ngang inamin ng asawa ni Moira na naging unfaithful siya sa misis na ‘hugot’ singer.
January 2019 nang ikasal sila.
Anyway, ayon sa isang super reliable source, ilang beses diumano talaga itong naging unfaithful kay Moira.
At ang pinaka-last nga raw ay mismong katrabaho at kaibigan pa nilang mag-asawa kaya sobrang nasaktan si Moira.
Hindi raw totoong bading ito contrary sa mga naglutangang anggulo.
“Napuno na si bagets (referring to Moira). Yung pinaka last nagka-affair sa isang katrabaho...dun n nahurt si moira kase kaibigan nila,” chika ng super reliable source.
Napako ang pangalan ni Moira sa trending topic kahapon dahil nga sa nangyari sa kanila.
- Latest