^

PSN Showbiz

Young actor, babad sa may edad na aktres sa lock-in

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Medyo nakakaalarma ang balitang taas-baba ng COVID cases sa NCR, lalo na sa Metro Manila.

Nitong nakaraang weekend ay nalagay uli tayo sa moderate risk from low risk, dahil sa tumataas na kaso sa ilang lungsod. Pero medyo bumaba na naman ngayon.

Hindi lang napapabalita at napapag-usapan, merong ilang artistang nagka-COVID sa gitna ng trabaho, kaya naaantala ang taping. Pero gumaga­ling naman agad, at  hindi na lumalala ang sakit.

Parang nagiging normal na nga ito, at parang simpleng trangkaso na lang ang COVID, lalo na kung Omicron variant. Pero dapat pa ring mag-ingat.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang ibang drama series ngayon ay hindi na pala nagla-lock-in.

Pero sinusunod pa rin ang protocols na may regular Antigen o RT-PCR test kapag tuluy-tuloy ang trabaho.

Uwian na ang iba, pero kapag nasa iisang location lang ang magkakasunod na kinukunan, ikinukuha na lang ang mga artista at production staff ng kuwarto sa hotel para dire-diretso na ang taping.

Sinusunod pa rin kasi nila ang 14 to 16 na working hours. Kaya hindi gaanong puyat ang mga artista at staff.

Ilang producers ang nakakausap namin na mas okay na raw ang ganitong setup dahil ang hirap daw ng ilang linggong naka-lock in dahil lumalabas daw ang tunay na kalan­dian ng ilang artista kapag naka-lock in. Minsan ay nababalitaan na lang na may nagaganap na sa hotel room o sa villa ng isang artista at ang co-actor nito.

Hindi na bago ang ganung balita, pero tahimik na lang sila at hindi na lang itsinitsismis.

Nagulat nga kami sa isang young actor na pinagtsitsismisan na pala sa isang taping na lagi raw ito nakababad sa kuwarto ng isang magaling na aktres na halos ate na niya.

Hindi na lang namin inurirat kung ano talaga ang naganap, dahil mabait sa amin si aktres at baka ang dami pang madamay kapag kumalat pa ito.

Tama na nga sigurong wala nang matagalang lock-in sa mga taping at shooting.

Khalil, ramdam na ang pagiging director

Finally, ipalalabas na rin ang first drama series, ang Love You Stranger, na tambalan ng magkasintahang Khalil Ramos at Gabbi Garcia.

Nung 2020 pa ito sinimulan pero ang daming dinaanang problema dahil sinimulan nila ito nung kasagsagan nang surge ng COVID-19.

Mabuti at natapos na rin at base sa trailer, mukhang maganda ang kinalabasan.

Ginagampanan dito ni Khalil ang role ng isang direktor sa pelikula, at ikinatuwa niya dahil kahit paano ay nagagawa raw niya ang isa sa wish niyang maging isang film director. “Kahit papano, nabigyan po ako ng chance na maging legit film director bilang si direk Ben dito. Kasi may mga eksena po talaga na nagdidirek po talaga ako ng mga eksena. So, nagpanggap po ako ng konti,” pakli ni Khalil sa nakaraang mediacon ng Love You Stranger.

Nandiyan pa rin daw ang hangad niyang magtrabaho sa likod ng camera bilang isang direktor. Matagal na raw niya itong pinaghandaan, pero naudlot lang dahil sa pagpasok ng pandemic. “I have been part of a small production house that I started with my friends, 2016 pa. Ang mga ginagawa namin mostly music videos, advertisements, mga corporate AVPs.

“Sa karera ko po bilang filmmaker, nag-decision po ako nung 2019 na kailangan ko po mag-focus sa pagsusulat. So, kailangan ko pong i-enrich ‘yung storytelling ko, ‘yung writing aspect to it.

“Nagsimula po ako ng workshop kay Ricky Lee nung 2020, kaso dumating ‘yung pandemya. As in kalagitnaan po talaga ng parang pang-apat yata namin na session, biglang nag-lockdown.

“’Yung parang thesis namin dun, sa-submit po kami ng script sa Cinemalaya. So, ‘pag mabigyan po ng pagkakataon na makadirek ng feature film, why not po.”

Noon pa man ay nandiyan din daw si Gabbi para suportahan ang boyfriend.

“Ever since naman, dating pa lang kami ni Khalil, ang taas na ng paghanga ko sa kanya, bilang isang artist. Hindi lang bilang aktor, kundi director din.

“Si Khalil kasi very passionate. Sobrang… he does everything with passion talaga.

“Sa katotohanan nga nung 2017, when I was trying to pursue my music career, he was the one directed my music video. So, nung time na ‘yun talaga nakita ko kung gaano siya ka-passionate sa ginagawa niya. Hanggang ngayon, ini-encourage ko talaga na ipagpatuloy niya, kasi ‘yun talaga ang nasa puso niya,” saad ni Gabbi.

Mag-uumpisang mapanood ang Love You Stranger sa June 6 sa GMA Telebabad pagkatapos ng Bolera na dinirek ni King Mark Baco.

KHALIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with