^

PSN Showbiz

Guro utas sa ambush sa Masbate

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MASBATE CITY, Masbate, Philippines — Dead-on-the spot ang isang 52-anyos na guro ng pampublikong paaralan matapos pagbabarilin ng nakaabang na gunman sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Malinta ng lungsod na ito, noong Lunes.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rolly Ruiz Garbo ng Purok-5, Montecarlo Subdivision, Brgy. Nur­sery, Masbate City.

Hindi naman nakilala ang nag-iisang suspek na mabilis nakatakas makaraang mapaslang ang biktima.

Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga, lulan ng kanyang Kawasaki Bajaj na motorsiklo ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng highway nang biglang sumulpot sa kanyang daraanan ang hindi nakilalang gunman.Bago pa nakaiwas ang biktima ay walang kaabug-abog na pinagbabaril ito ng suspek hanggang duguang humandusay.

Nakuha ng mga rumes­pondeng pulis sa lugar ang anim na basyo ng Kalibre 45 baril.

vuukle comment

MALINTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with