Charo, magtuturong humawak ng pera
Bukod sa Maalaala Mo Kaya ay napapanood na rin si Charo Santos-Concio sa Shine On Overseas Pinoy na nagsimula noong Sabado. Tampok sa bagong programa ang iba’t ibang kwento ng kababayan nating OFW o overseas Filipino workers.
Mayroong 13 episodes ang naturang proyektong napapanood sa pamamagitan ng TFC Cable and Satellite at iWantTFC. “Last year we had Sun Life mount an event with overseas Filipino workers. This was an opportunity for the Sun Life advisors to have a chat with our OFW kababayans from other parts of the Globe. So itong show nga na ito ang naging resulta nito. So we had the chance to talk to some select OFWs at nagkuwento sila ng kanilang journey towards their financial management and stability and insurance for their future,” nakangiting kwento ni Charo.
Ayon kay CSC ay talagang kapupulutan ng aral ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa ang kanilang bagong programa.
Matututunan umanong pahalagahan ang lahat ng perang kinikita ng isang OFW para sa kinabukasan na buong pamilya. “Lalo na tayong mga ordinaryong mamamayan, ang ating sweldo na inuuwi natin sa ating trabaho. Dapat alam natin mag-budget, alam natin ang ating gagastusin, alam natin ang expenses natin, at magkano ang maaari nating itabi para sa savings. Ngayon ang savings na ‘yon, ano ang pwede nating gawin para ‘yung saving na ‘yon ay lumawak. Napakahalaga talaga na makapagturo tayo ng tamang pamamahala ng pananalapi. Kasi karamihan naman ng mga kababayan natin ay talagang naghahanap ng matinong trabaho, nag-uuwi ng sweldo at nangangarap ng mas magandang buhay para sa kanila at sa mga mahal nila sa buhay,” paglalahad ng TV host-actress.
Jake, natutong maging tatay
Noong Biyernes ay nagtapos na ang teleseryeng Viral Scandal na pinagbidahan ni Charlie Dizon. Kabilang din sa nagwakas na serye si Jake Cuenca kung saan tumatak ang karakter ng aktor bilang si Mayor Troy.
Ayon sa binata ay mayroon siyang natutunan mula sa kanyang papel na ginampanan. “In the 20-year stint I’ve been doing TV and soap operas, masasabi ko talaga na the role generally taught me something. Parang ang laki ng takeaway ko going home. Parang ang laki ng itinuro sa akin ni Mayor Troy as a human being, and maybe as a future father and husband one day. What he taught me is iba talaga ‘yung pagmamahal para sa anak. I know it’s hard for a person like me to fathom kung paano ‘yung pagmamahal sa isang anak. Kasi I don’t have a child,” makahulugang pahayag ni Jake.
Dahil sa karakter ay naging parang tunay na anak na ang turing ng aktor kina Charlie at Kaila Estrada. Hinding-hindi raw makalilimutan ni Jake ang lahat ng kanyang mga ginawa sa naturang proyekto. “Definitely a role of a lifetime for me. Kasi as much as I prepared for Mayor Troy, ang galing kasi ‘yung role parang ako pa ‘yung tinuruan sa huli. It was such an experience. Kasi at one point, talagang anak tingin ko kay Charlie at kay Kai. It was one of the roles na I was definitely satisfied by the end. Hindi siya ‘yung tipong nahirapan akong ipagpag or tipong dinala ko pa sa bahay. It’s something that I ended there and it was beautiful. Everyone there was my family. Mahal ko silang lahat diyan sa show,” pagbabahagi ng aktor.
(Reports from JCC)
- Latest