Kasal nina Dra. Vicki at Hayden, laging nakakonek sa Paris
Bigla kong naalala ang kasal nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho sa Paris. Kasi napanood ko sa isang travel show sa TV ang Paris at ang Metro Theatre (Théâtre de Paris), naalala ko ang wedding na pinakabongga na yata sa lahat ng pinuntahan natin, Salve.
Kaloka dahil kung ngayon mangyayari, sure ako na hindi ko na kaya ang maglakad sa mga naganap noon sa Paris. ‘Yung paglibot natin sa River Seine, ‘yung nakatayo tayo sa labas ng Opera House habang hinihintay ang newlywed at nakikichika sa mga VIP guest, grabe, sure akong hingal at panay na ang reklamo.
Masasabi ko talaga na isa sa pinaka-unforgettable event sa buhay natin ang Kho/Belo wedding.
Talagang Crazy Rich Asians movie ang dating, kaya naman hanggang ngayon nasa isip pa rin natin.
Samantala, ang cute nga nung story ni Dra. Vicki na ayaw siyang isali sa pila ng senior citizen dahil mukha siyang bagets, na totoo naman dahil kahit ano pang sabihin halos mukhang magkasing-edad lang sila ni Dr. Hayden Kho. At dahil din kay Scarlet, mukha talagang bagets si Dra Vicki.
One of the sweetest most generous na tao si Dra. Vicki, kaya siguro young looking siya dahil sa kanyang good heart.
Thank you, Dra. Vicki for being a good sweet friend all these years.
Sandro, napuri
Dapat siguro, matapos na ang mga issue ng election pagkatapos ng isang linggo. Tumahimik na lahat dahil tapos na, may nanalo na. Hindi mo puwedeng sabihing daya dahil malaki ang agwat ng winner sa natalo.
Saka alam mo ba na the more na nagsasalita ka, the more na magmumukha kang pathetic. Totoo, panindigan mo ‘yung pinili mo, pero ‘pag talo na, tanggapin mo. Kainis na lagi na lang may alibi para sa loser, ‘pag talo, talo. No amount of alibis can cover up ang pagiging loser. Be a good loser, tanggapin mo with dignity na hindi ikaw ang napili.
Ang gandang tingnan nung ginawa ni Sandro Marcos na lumapit kay Rowena Guanzon para bumati, knowing kung paano nito tirahin ang ama na si Bongbong. Nagpakita ng wisdom at humility si Sandro, na sana gayahin ng iba. Hindi ‘yung defiant ka sa mga nagaganap sa paligid. Spread joy, peace and love.
- Latest