^

PSN Showbiz

Tonton, wish mag-tour sa Malacañang

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tonton, wish mag-tour sa Malacañang
Tonton
SATR/ File

Nasa bucket list ni Tonton Gutierrez na mag-field trip sa Malacañang.

Nakapag-tour na raw siya sa White House, at dahil Filipino siya dapat makita rin niya ang loob ng Malacañang.

Talagang kinukulit niya ako na gumawa ng paraan na mabigyan siya ng chance na ma-tour ang Malacañang.

Sabi ko hintayin niya baka sakali, malay mo nasa destiny ni Bong Revilla na maging Presidente at least makakatuntong na tayo sa Palasyo ng Pilipinas.

Or baka mag-ambisyon ding maging Lady President si Kris Aquino, magiging open para sa ating pasyalan ang Malacañang.

O ‘di ba, dahil lang sa bucket list ni Tonton, talagang nag-wish ako na maging President sina Bong at Kris noh!

Pero malay n’yo rin, bigla na lang magkatotoo ang wild dream ko, promise, invite ko rin kayo sa tour ng Malacañang, mag-tour guide na lang ako.

Mga artistang feeling matatalino, biglang natameme

Kahit ano pang sabihin, bawas-ningning para sa ibang celebrity na sobrang nag-OA sa kanilang endorsement sa kanilang kandidato ang pagkatalo sa kanilang pinili. Ok lang kasi na ito ang gusto mong suportahan, pero sana hindi na sila nagpaka-over acting na akala mo tapos na agad ang laban, na dahil sa kanila, panalo na ang pinili nila.

Now tingnan mo, ipinakita ng tao na hindi ganun kalaki ang tiwala nila sa mga artista, malalaking stars pa pero natalo rin. Kasi nga meron sa halip na makadagdag boto, nakabawas pa dahil antipatika. Ayaw ng tao ‘yung mga parang holier than you, mas marunong sa iyo attitude.

Mas gusto nila ang iginagalang ang choice nila, at hindi na rin ito panahon ng paulit-ulit na pagsumbat sa naging kasalanan ng isang kandidato.

Mas gusto na ngayon ng tao ang plataporma lang ang pinag-uusapan hindi ang naging kasalanan ng bawat isa.

Masakit na kasi sa tenga ‘yung maririnig mong magnanakaw, mamamatay tao, mga bintang na hindi matapus-tapos.

Moving on na ang gusto ng lahat, ipakita na ang puwedeng gawin, bigyan ng chance ang gustong magbago. Huwag ng judgmental, dapat lahat open slate.

TONTON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with