Ian, naging rocker sa ninuno
Ang kaliwa’t kanang papuri sa Ninuno song ni Ian Veneracion.
Gusto ng mga fan ng actor-singer ang mala-rocker na dating niya sa nasabing kanta.
Ang Ninuno ay streaming na sa lahat ng digital music platforms at marami na raw ang nagda-download nito.
Kahapon ay nag-show rin si Ian sa Naga at sold out daw ang tickets. Sobrang thankful ang actor-singer nang ibalita sa kanya ng mga taga-ATeam o Alcasid Total Entertainment & Artist Management ang good news na ‘yon.
Ang ATeam ay pinamumunuan ni Ogie Alcasid at sila na ang namamahala ngayon sa career ni Ian.
Next week, ang press launch naman ni Ian ang pagkakaabalahan nila ni Ogie.
Haharap din sa entertainment press si Ogie para ipakilala si Ian bilang newest talent ng ATeam.
Bongga!
Jeron at Jeanine, pinaghahandaan na ang kasal
Um-attend si Jeron Teng at ang fiancée niyang si Jeanine Tsoi sa advance birthday event namin last week. Kasama nila ang parents ni Jeron na sina Alvin at Susan Teng.
Naikuwento sa amin ni Susan na unti-unti nang pinaghahandaan nina Jeron at Jeanine ang wedding nila sa November of 2023.
Isang kilalang singer ang gustong kunin ng ikakasal para kumanta sa kanilang wedding reception.
In fairness, mga isang taon at kalahati pa bago ang wedding nila pero busy na sina Jeron at Jeanine sa paghahanda.
Nice!
Rufa Mae tuhog sa raket, ‘di ramdam ang jet lag
Dahil Mother’s Day kahapon, dinalaw ni Rufa Mae Quinto ang columbarium kung saan nakalagak ang mga apo ng kanyang Lola Lucing at Mommy Carol.
Feel na feel ni P-chi (palayaw ng sexy comedienne) ang pagiging ina sa kanya ng kanyang lola (na palagi niyang kasa-kasama noon sa mga shooting at taping) at ng kanyang nanay dahil isa na rin siyang nanay.
Limang taon na ang anak ni P-chi, si Alexa Magallanes.
Samantala, babalik kaagad sa Amerika si P-chi dahil may Romantic Saya show siya sa The Noypitz Bar & Grill sa Cerritos, California on May 15.
Dedma si P-chi sa jet lag dahil mas type niya ang mag-work nang mag-work.
Ang bongga! ‘Yun na!
- Latest