^

PSN Showbiz

Bryan pinaghandaan ang pulitika, pagpapakasal ‘di pa prayoridad!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bryan pinaghandaan ang pulitika, pagpapakasal ‘di pa prayoridad!
Bryan Revilla.

Suportado si Bryan Revilla ng non-showbiz girlfriend niya sa kanyang kandidatura bilang 1st nominee ng Agimat Partylist.

Kuwento ni Bryan sa Take It! Take It! Me Ganon?! kahapon hosted by Manay Lolit Solis and Mr. Fu, once in a while ay isinasama niya ang GF sa kanyang campaign sorties. People-person daw ito pero sobrang pribadong tao.

Pero hindi raw siya nagmamadali sa edad na 35 at ang girlfriend niyang ’di galing sa political family na lumagay sa tahimik.

Ikaw ‘yung panganay pero ikaw ‘yung walang asawa ngayon. Bakit? tanong ni Mr. Fu.

“May mga responsibilidad ka na kailangang gampanan, eh. Tulad ko, ganun ang nangyari sa akin bilang panganay. We have certain responsibilities to do. Lalong-lalo na yung nagkaroon kami ng problema, ‘yung sa family ko. Walang tumindig, tatay ko nandun sa crame, somebody had to take charge of whatever that needs to be done outside,” mabilis na sagot ni Bryan na ang tinutukoy ay nang ma-detain sa Camp Crame si Sen. Bong Revilla.

Parang challenge sa ’yo ang panahong yon bilang panganay na tumayo bilang padre de pamilya? “Well, ‘yung mga ganitong mga klaseng bagay ‘di naman ine-expect eh. As much as possible this is the last thing that we will expect na mangyayari din sa amin. Wala eh, I had to be strong. I had to man out, and make sure the job gets done kung ano kailangang gawin para sa pamilya. You really have to do it. Kahit gaano kahirap kailangan mo talagang gawin. Gagawan at gagawan mo na rin talaga ng paraan. That’s why mga Pilipino nga tayo, we’re very resilient. I guess we have to be resilient in times of challenges.”

At kung hindi siya nagmamadali na pakasal, handang-handa na siya sa pulitika kung saan noong time na tumatakbo si Sen. Bong, siya ang behind the scenes kaya’t alam na niya ang responsibility ng pagiging pulitiko na kumbaga na-train na siya.

“Yes, yes, lahat naman kami na-train nang maaga, eh. So ito naman, different type of experience, kumbaga. Kasi dati behind the scenes ka, hindi ka gaanong nakikita sa camera. You do the stuff, yun nandun ‘yung aksyon pero ngayon bilang kandidato sa partylist bilang first nominee, masaya rin palang maging kandidato,” pahayag niya pa.

Ano ang nag-encourage o nag-inspire sa ‘yo para finally ay makumbinsing tumakbo o kumandidato?

“Well, eto naman din kasi, this is something that I’ve always been preparing, it was a matter of… the question was only kung kelan ba. And ngayon nabigyan tayo ng opportunity na, ‘yun nga para maging representative ng Agimat partylist. And matagal ko na rin pinagdarasal ito. I think it was God’s perfect time na kumbaga.

“Sabi nga nila, ‘di ba, ‘pagka itinadhana sa ‘yo ang isang bagay, kahit gaano mo yan, you keep running away from it, you always find a way to get to.”

Ano ang gusto mong tutukan ‘pag nabigyan ng pagkakataon sa Kongreso?

“Well, I think yung isa dyan yung healthcare system natin lalung-lalo na dun sa ibang mga kababayan natin na nandun sa mga remote areas. Meron akong ibang mga napupuntahan dun na walang ospital lalo na kunwari ‘yung mga remote na islands o ‘yung remote na bandang bundok. Wala silang mga ospital dun. May mga clinic sila, minsan wala pang doctor. Meron tayo dun mga barangay healthcare centers. I think it’s about time na mapalakas natin ang barangay healthcare centers.”

Pero teka ano ba talaga ang istorya ng Agimat? Meron bang ipinamana sa iyong agimat si Mang Ramon Sr. o si Senator Bong?

“Well, laging sinasabi naman namin sa agimat talaga… ang tunay na agimat is ‘yung pagtulong sa kapwa.”

Samantala, kahit busy sa pangangampanya, bukas pa rin si Bryan sa pagsabak sa showbiz sakaling may dumating na offer.

Pero aniya, kung meron man siyang natutunan sa pandemic, ito ay ang pagtatrabaho sa likod ng kamera. Sa kasagsagan ng Covid-19, dinirek niya ang kauna-unahan niyang docu tungkol sa lolong si former Sen. Ramon Revilla Sr. na ipinalabas sa GMA News TV at napapanood din sa YouTube.

Bukod sa sariling YT channel, naging abala rin si Bryan sa Manila’s Chronicles channel na naglalayong makatulong sa pagpapalaganap ng motosports culture sa ’Pinas.

Bilang 1st nominee naman ng Agimat Partylist, isinusulong din niya ang panukalang Workers, Health and Economic Agenda oras na mahalal sa Mayo.

Nakatuon ang programang ito sa kapakinabangan ng medical frontliners, OFWs, mga nawalan ng trabaho, atbp.

Dagdag niya pa : “Hindi ko rin kalilimutan ang mga manggagawa at artista natin sa Arts, Entertainment and Film Industry na nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya at krisis. Malapit sa puso ko ito,” patuloy ni Bryan. “At siyempre po, magiging boses rin tayo ng mga kabataan. We are going to forward an enhancement of free and accessible education for all. Hindi na lang siguro tuition, pati kagamitan na kailangan nila. There, we build our hope — to the youth,” diin pa ni Bryan na naalala ni Nay Lolit na noong bata ito habang umiiyak ang kanyang inang si Mayor Lani Mercado sa loob ng kuwarto nila dahil may narinig itong intriga noon kay Sen. Bong sa ibang babae, ang ginawa raw ni Bryan ay nilulusutan ng tissue paper ang kanyang mommy sa ilalim ng door ng kuwarto.

Anyway, katulong niya sa pag-iikot para mangampanya si Sen. Bong na aminadong mas pagod pa ngayon kesa noong siya ang kumakandidato.

 

BRYAN REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with