^

PSN Showbiz

Sharlene, umiiwas sa usapang lovelife

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sharlene, umiiwas sa usapang lovelife
Sharlene San Pedro.

Mula noon ay hindi pa napabalitang nagkaroon ng karelasyon si Sharlene San Pedro. Ayon sa dating child star ay talagang iniiwasan niya ang mga usapin tungkol sa pag-ibig. “Hindi ko pa po masabi. Pero ‘yan po talaga ang pinaka-iniiwasan kong tanong. Sa tingin ko, ‘yung in love side, lagi kong kini-keep ‘yon talaga na private. Kasi ayaw kong mapaghalo siya. So in love man ako ngayon or hindi, it’s for them to find out. Parang gano’n po,” makahulugang pahayag ni Sharlene.

Hilig ng dalaga ang paglalaro ng online games. Kapag walang trabaho ay abala si Sharlene sa pagiging isang online game streamer. “Actually before naman I’m into mobile games talaga. Pero no’ng nag-pandemic kasi siyempre parang mag-iisip ka kung anong gagawin mo, nakakulong ka lang sa bahay. So aside sa nagpo-post ako ng vlogs no’n, naisipan ko bakit hindi ako mag-live streaming. Bago ako mag-live streaming, inisip ko muna kung anong laro. Kasi nakakahiya naman pumasok sa isang gaming community kung hindi mo alam ‘yung laro. Pero no’ng pumasok ako, medyo may alam naman na ako, so hindi na siya nakakahiya. Kaya feeling ko din ay nag-stay ‘yung  viewers. Kasi bukod sa naglalaro ako, nilagyan ko ng konting fun side,” pagdedetalye ng aktres.

Bukod sa pagiging aktres at online game streamer ay sumabak na rin si Sharlene sa pagkanta. Kamakailan ay inilunsad na ang single niyang Running na tungkol sa pag-ibig. “Tungkol po sa love na parang gusto mo na lang mag-stay doon sa memory na ‘yon kaso parang wala na. Parang you’re running out of time. Gusto mong bumalik pero hindi na pwede,” paglalahad ng dalaga.

Sean, gusto ring makilala bilang dramatic actor

Para kay Sean de Guzman ay isang malaking hamon sa kanyang kakayahan bilang aktor ang pelikulang Fall Guy na kanyang pinagbibidahan.

Kasalukuyan pa lamang na ginagawa ang naturang proyekto. “Ang pinagkaiba po ng pelikulang ito sa lahat ng mga nagawa ko, noong binabasa ko pa po ang script, parang kinakabahan na ako sa mga mangyayari. Kumbaga, parang nagda-doubt ako sa sarili ko, na parang, ‘Makakaya ko ba ‘yon?’ Parang sobrang bigat ng role na ibinigay sa akin. Kaya kailangan ko po talagang pag-igihan at ayusin ko po ‘yung performance ko po. Ang pelikula pong ito, kakaiba po siya as in. Sobrang layo sa role ko dito ‘yung ibang ginawa kong projects,” pagbabahagi ni Sean.

Sumikat ang binata bilang isang sexy aktor dahil sa kanyang mga pelikulang mapangahas ang tema. Ipinakilala si Sean sa Anak Ng Macho Dancer at mula noon ay nagsunud-sunod na ang maraming sexy films ng aktor. Nagpaseksi ang binata si Lockdown, Nerisa, Taya, Mahjong Nights, Hugas at Island of Desire. Nangangarap si Sean ngayon na makilala rin ng mga manonood bilang isang dramatic actor dahil sa tema bagong pelikula. “Susubukan ko namang tumawid sa pagiging dramatic actor. Gusto ko lang din ng growth as an actor at mag-explore pa ng iba-ibang roles na kaya ko pang gawin. Ayoko lang ding i-limit ang sarili ko. Gusto kong masubukan lahat para mas marami pa akong matutunan,” nakangiting pahayag ng aktor.

Tatalikuran na nga ba ni Sean ang pagpapaseksi sa mga proyektong gagawin? “Hindi naman po sa gano’n. Willing pa rin naman po akong tumanggap ng mga gano’ng klaseng role but for the meantime po gusto ko naman ding i-challenge ang sarili ko sa drama,” sagot ng binata. (Reports from JCC)

 

 

 

 

SHARLENE SAN PEDRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with