^

PSN Showbiz

K, hindi nalilimutan ang ginawa ni Kris

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
K, hindi nalilimutan ang ginawa ni Kris
K Brosas.

Bukod sa Sing Galing ay araw-araw ding napapanood si K Brosas sa Lakwatsika sa TV5. Malaki umano ang pasasalamat ni K kay Kris Aquino dahil nahasa ang kanyang hosting skills nang madalas makasama noon sa mga out of town episodes ng Kris TV sa ABS-CBN. “Si Kris Aquino kasi malaking-malaki ang utang na loob ko sa kanya kasi sa Kris TV ako namulat sa travel. Ako ang pinagagawa niya ng mga adventures para happy. Si Kris nami-miss ko na siya unang-una at siya ang nagpamulat sa akin ng mga travel sa TV. Ako ‘yung tagagawa niya ng mga hindi niya ginagawa. Nakaka-miss talaga siya,” nakangiting pahayag ni K.

Hindi man nagkikita nang personal ang magkaibigan ay palagi pa ring nagpapadala ng mensahe at iba pang bagay si K kay Kris. “Pinadalhan ko siya ng flowers and everything, nagpasalamat pa siya. Si Kris napakada­ling i-please as a friend. Maalala mo lang siya, malaking bagay na sa kanya ‘yon. Kaya hindi ko siya nakakalimutang i-text, flowers. Just to remind her na nandito lang ako for her. Gusto ko lang sana siyang bumalik sa dati niyang sigla, sa dati niyang kulit, saka ‘yung mga side comments niya na natatawa ako. Ang dami naming pinag-usapan kaya nakaka-miss siya,” kwento ng TV host-actress.

KathNiel, na-challenge magpakilig

Hindi nagdalawang-isip si Kathryn Bernardo na tanggapin ang seryeng 2 Good 2 Be True nang nalaman na makakatrabaho si Ronaldo Valdez.

Isang malaking karangalan umano para sa aktres na makasama sa isang proyekto ang beteranong aktor. “I got excited when they told us if ever tito Ronaldo Valdez would accept this project. Kasi siya ‘yung magiging lolo. No’ng sinabi ‘yon, sabi ko, ‘Oh my God! I want to do this!’ Kasi it’s not just a love story, very relevant ‘yung story. Mara­ming mata-tackle na hindi natin alam nangyayari sa ibang tao. So no’ng nalaman namin na in-accept na ni tito Ron, parang sign na ‘yon sa akin ng universe na I think I should do this. Kasi gusto namin rom-com, binigay rom-com. We wanted direk May (Cruz-Alviar), binigay si direk Mae, and then tito Ron nag-yes siya. So walang reason to say no to this,” paglalahad ni Kathryn.

Ang kasintahang si Daniel Padilla ang muling makakatambal ng aktres para sa bagong serye. Bukod sa telebisyon ay mapapanood na rin sa pamamagitan ng Netflix sa susunod buwan ang 2 Good 2 Be True.

Para kay Kathryn ay naging mahirap sa kanila ni Daniel kung paano pa mas pakikiligin ang mga tagahanga dahil sa dami na rin ng kanilang pinagtambalang mga proyekto. “Actually ‘yan ‘yung sobrang challenging. Kasi siyempre hindi ko sinasabi na nawawala ‘yung kilig. Of course the love is there, it gets deeper. Nagma-mature pero iba siyempre ‘yung kilig namin like nine years ago, 10 years ago ni DJ. Iba ‘yung nararamdaman namin ngayon. So ‘yan ang challenge every scene especially direk Mae, sa writer namin, ano pa ‘yung hindi namin nagawa na kilig na pwede naming i-offer. So it’s really challenging,” pagtatapat ng dalaga.

Aminado si Kathryn na mayroong mga pagkakataon na nahihirapan sila ni Daniel na ihiwalay ang personal nilang buhay sa kanilang trabaho. “Siyempre as a person and real life couple, nag-iiba lahat but hindi ibig sabihin nababawasan na ‘yung love. It’s just that ang hirap ihiwalay ‘yung personal kapag nakikita mo sa characters namin onscreen. Hopefully nabigyan naman ng bagong flavor dito since iba naman ‘yung dynamics din ng characters namin ni DJ and ‘yan naman ‘yung goal every project to make it different,” paliwanag ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

K BROSAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with