^

PSN Showbiz

'Baka hiwalayan kita': Sharon Cuneta kay Pangilinan 'pag 'di tuparin campaign promises

James Relativo - Philstar.com
'Baka hiwalayan kita': Sharon Cuneta kay Pangilinan 'pag 'di tuparin campaign promises
Litrato nina vice presidential candidate at Sen. Francis "Kiko" Pangilinan (kaliwa) at Sharon Cuneta (kanan)
Mula sa Instagram account ni Kiko Pangilinan; Video grab mula sa Facebook page ni Bise Presidente Leni Robredo

MANILA, Philippines — Nagbabala ang singer-actress na si Sharon Cuneta sa mister at vice presidential candidate Sen. Francis "Kiko" Pangilinan kung manalo't hindi tutuparin ang mga ipinapangako sa mga botante — kung nagkataon, baka mauwi raw sila sa hiwalayan.

Ito ang sinabi ng tinaguriang "Mega Star," Miyerkules, habang nagsasalita sa campaign rally nina presidential candidate Leni Robredo at Pangilinan sa Dumagete City, Negros Oriental.

"'Pag si Leni at Kiko ang binoto ninyo, lahat ng matatanim na buto, maganda, malinis at malusog. I'm talking about their plans in the future. I'm a mom. I have four kids. I wouldn't been here if even I didn't believe in my husband because I have built a name for over 44 years without him," wika niya kagabi.

"Ayokong mapahiya dahil 'pag hindi niya tinupad ang dapat niyang tuparin, baka magkahiwalay kami. No, it's not a threat but it's not an empty something."

 

 

Ilan sa mga plataporma ni Kiko ang food security sa ngayon at pagpapalakas ng sektor ng agrikultura.

Itinutulak niya rin sa ngayon ang murang presyo ng bilihin at pagkain, kabuhayan para sa mamamayan, de kalidad na edukasyon para sa kabataan at paglilingkot na "walang bahid ng korapsyon."

Maliban pa riyan, una na niyang ipinangako ang paghahanap ng "foreign partners" upang maigiit ng Pilipinas ang soberanyang karapatan nito sa West Philippine Sea.

"Because I know in my heart I married the man with one of the purest hearts on this planet. I prayed for a man just like him," dagdag pa ni Sharon.

Kasalukuyang nasa ikatlong pwesto si Pangilinan sa huling pre-election ng Pulse Asia, kung saan naunahan siya nina UniTeam VP bet Davao City Mayor Sara Dutete-Carpio (56%) at Senate President Vicente "Tito" Sotto III (20%).

Una nang napansin ng ilan ang absence ni KC Concepcion, anak ni Sharon at stepdaughter ni Kiko, sa mga campaign rallies nina Robredo. Nayong Abril lang nang sabihin ni KC na nakatira siya sa New York para magtrabaho.

2022 NATIONAL ELECTIONS

KIKO PANGILINAN

LENI ROBREDO

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with