^

PSN Showbiz

Basil at Jamie, handa na sa comeback concert

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Basil at Jamie, handa na sa comeback concert
Basil at Jamie.

Magaganap ang muling pagsasanib-puwersa ng Inspirational diva na si Jamie Rivera at award-winning Filipino balladeer na si Basil Valdez sa Love and Light concert, sa April 30, Saturday, 8 p.m., sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Kilala si Jamie sa kanyang mga pinasikat na meaningful songs gaya ng Tell The World of His Love, We Are All God’s Children, Hey, It’s Me, Awit Para Sa’Yo at I’ve Fallen For You. Nakilala rin si Jamie internationally nang gumanap ito bilang Kim sa musical Miss Saigon sa London, England noong 1992.

Tumatak naman ang mga klasikong awitin ni Basil, na ginamit ding theme songs noong ‘80s sa mga pelikula gaya ng Ngayon At Kailanman, Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan, Paano Ba ang Mangarap, Muling Buksan Ang Puso at iba pa.

Sa muling pagbabalik ng in-person concerts, ano ang kanilang nararamdaman? “More of excitement. Because after nga ng pandemic, ito nga ‘yung kailangan natin. This is a celebration,” ani Jamie.

Bibigyang tribute naman ni Basil ang apat sa pinakamahuhusay na Pinoy composers – George Canseco, Gerry Paraiso, Ryan Cayabyab at Willy Cruz sa nasabing concert.

Aminado si Jamie na isa sa kanyang preparas­yon para sa concert ay ang pagbabawas ng timbang dahil nga sa nagdaang pandemya ay hindi siya masyadong naging aktibo at matagal na pamamahinga lang ang kanyang ginawa.

Ayon pa kay Jamie, mas pinalalakas daw nito ang kanyang immune system lalo na nga at may mga bagong COVID variant at sasabak na uli sila sa live concert na matagal ipinagbawal.

Samantala si Basil naman ay bagbi-brisk walking every other day to maintain his breathing. At ngayon ay nagvo-vocalize na uli siya.

Natanong din sila sa ginanap na presscon para sa Love and Light kung anong pinagkaabalahan nila noong kasagsagan ng pandemya?

“Just to give you a background, our last concert was also Love and Light. It staged in another venue. So after that, syempre nag-lockdown na tayo, ‘di ba? I was able to do a lot of new things like alam mo na ‘yung… I started my paintings I went into arts and then I went into plan­ting also. Naging plantita ako.

“And then simultaneously nung bumalik na nang konti ang face to face ‘yung mga office… ‘yun tinulungan ko na ‘yung husband ko. Bumalik ako dun sa office. ‘Yun lang. And then after that naging busy din kami sa mga online show. ‘Yung shows na yon, mga fundraising naman ,” saad ni Jamie.

Dahil 70 years old na ay madalas na nasa bahay lamang si Basil noong mag-lockdown. Naghihintay lamang daw ito sa mga kaibigan at sinuman na maaaring mangailangan ng kanyang tulong. “Somehow I really am not so used to online performances. It is such a pleasure to be with you face to face. Parang dun ako nasanay after 50 years in the business.”

Ang Love and Light ay inihahandog ng Full House Theatre Company at NY Entourage Productions, mula sa direksyon ni Marvin Caldito at musical direction ni Adonis Tabanda. Maaaring bumili ng tickets sa Ticketworld at SM Tic­kets. For inquiries contact: Girah Manaligod (0917 872 8309), Archli Enriquez (0917 823 9602), or Neil Crisostomo (0917 658 9378).

BASIL VALDEZ

JAMIE RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with