^

PSN Showbiz

Pinoy media congress digital caravan, pinakinabangan ng mga estudyante

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pinoy media congress digital caravan, pinakinabangan ng mga estudyante
Jacque Manabat.

Mahigit 1,600 estudyante mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nabigyan ng inspirasyon at bagong kaalaman tungkol sa industriya ng media sa Pinoy Media Congress (PMC) Digital Caravan ng ABS-CBN at the Philippine Association of Communication Educators (PACE) nitong Marso.

Tampok sa kauna-unahang virtual na pagsasagawa ng taunang media conference ang ABS-CBN journalists na sina Jacque Manabat at Raya Capulong, si ABS-CBN International Production and Co-Production division supervising producer EJ Mallari, si ABS-CBN head of International Sales and Distribution Pia Laurel, at ang pangulo ng PACE na si Mark Lester Chico. Galing sa halos 100 na paaralan sa bansa ang mga estudyanteng nagrehistro sa nasabing event.

Sa kanyang session, ipinakita ni Jacque sa mga dumalong college at senior high school students kung paano niya ginagamit ang Facebook at TikTok sa pangangalap ng balita at paglaban sa pagkalat ng fake news. Ipinaalala niya rin sa kanila na maging totoo at responsable sa paggamit ng social media at panatilihing simple ang kanilang mensahe.

Ikinuwento rin ni Pia kung bakit patok ang mga palabas na gawa ng kanilang network maski sa mga banyagang manonood. Sa katunayan, may mahigit 60,000 oras na pala sila ng content na naibenta nila at napapanood sa mahigit 50 teritoryo sa mundo. Aniya, iba-iba man ang kultura, lahat ng manonood ay humahanap ng istoryang nagpapakita ng matibay na pagmamahalan, family at moral values, at isang karakter na maaaring hangaan at tularan.

Samantala, praktikal na tips at inspirasyon ang inialay nina EJ, Raya, at Mark na mga dati ring delegado ng PMC, na sinimulan ng ABS-CBN at PACE noon pang 2005. Bago magpandemya, mahigit 12,000 estudyante na ang nakalahok at natuto sa PMC na isinagawa sa iba’t ibang campus sa Metro Manila at maging sa Cebu, Baguio, at Cavite noong PMC Caravan noong 2019.

Payo ni EJ, maging mabuting follower upang maging maga­ling na lider na mayroon palaging layunin, tulad ng mga bidang napapanood nila sa teleserye.

Isinagawa ang PMC Digital Caravan sa tulong ng host schools na Biliran Province State University, UP Mindanao, at De La Salle University – Dasmariñas.  

JACQUE MANABAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with