^

PSN Showbiz

Enzo, loyal pa rin sa Kapamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Enzo, loyal pa rin sa Kapamilya
Enzo.

Mula nang lumipat sa ABS-CBN ay nabigyan ng magagandang proyekto si Enzo Pineda. Para sa aktor ay marami pa siyang natutunan pagdating sa trabaho nang lumipat sa Kapamilya network. “Nabibigyan ako ng enhanced learning pagdating sa acting. Binukas nila ‘yung utak how to be more passionate with my craft. And napakabait po talaga ng ABS-CBN sa akin. Sana po things will get better soon for all of us po,” nakangiting pahayag ni Enzo.

Ayon sa binata ay talagang malaki ang kanyang utang na loob sa kumpanya kaya nananatili pa rin siyang isang Kapamilya kahit wala itong prangkisa. “Ako naman po I’m always loyal po sa home network ko. Kasi sa ABS-CBN, napakalaki po ng tulong na binigay nila sa akin bilang artista,” giit ng aktor.

Masaya rin si Enzo na nakakatrabaho minsan sa bakuran ng Kapamilya network ang ilang kasamahang artista sa GMA noon. “It’s always nice to see familiar faces. Kasi sa showbiz naman po bilog naman po ang mundo. And you also get to build bridges. So natutuwa po ako na may mga kaibigan po ako sa GMA network na lumipat sa ABS-CBN. Para sa akin naman, kung saan po may trabaho, doon po tayo,” pagtatapos ng binata.

Elisse, selosa

Mapapanood na sa April 20 ang pelikulang Habangbuhay na pinagbibidahan nina Elisse Joson at McCoy de Leon. Ayon sa aktres ay hindi raw agad tinanggap ang naturang proyekto nang ialok ito sa kanila ng kasintahan. “Ang haba po ng process before we’re able to do this film because we have to consider we have a baby and also the work circumstances, pandemic tapos may baby kami na kasama. Ito ‘yung unang film na ginawa namin after we told everybody that we have a child. ‘Tatanggapin ba namin?’ Kasi itong movie na ito ay about young love, coming of age story so baka hindi bumagay. ‘Yon ang inisip namin, but we decided to go for it,” paliwanag ni Elisse.

Mayroong intimate scenes na ginawa ang magkasintahan sa bagong pelikula. Aminado si Elisse na talagang nailang siyang gawin ang mapangahas na eksena. “At first awkward kahit we’re a couple. So it really helped that we had a very comfortable set and environment, the people that we were with. Pero masaya, actually nag-enjoy ako,” pagtatapat ng aktres.

Samantala, wala raw magiging problema kay Elisse kung sakali mang makipagtambal si McCoy sa ibang aktres sa mga susunod na proyekto. Kailangan lamang daw pag-usapan kung magkakaroon din ng intimate scenes si McCoy at kung sino man ang makakapareha ng aktor. “Ay! Selosa po ako ha ha ha, depende sa kung ano ‘yung material na ibibigay kay McCoy,” natatawang pahayag ni Elisse. Reports from JCC

ENZO PINEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with