Marlo, nag-aral ng neuroscience sa harvard
Mamayang gabi ay mapapanood ang isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya na pinagbibidahan nina Hero Angeles, Sky Quizon at Marlo Mortel.
Matutunghayan ang kwento ng tatlong magkakapatid na itinaguyod ng kanilang lola. Ayon kay Marlo ay kailangang pakabaangan ng mga tagahanga ang kanyang pagbabalik sa pag-arte pagkalipas ng dalawang taon. “When it comes to acting, ang tagal ko talagang nagpahinga. I was so busy with music so I think ang dami ko ring natutunan over the past two years. I’m ready to impart what I’ve learned and ‘yung growth na nangyari sa buhay ko para maging isang aktor talaga na seryoso. Kasi dati I was so young and it’s been a huge difference then and now,” nakangiting pahayag ni Marlo.
Ito na ang pang-anim na pagkakataon na nakapagtrabaho ang aktor para sa Maalaala Mo Kaya. Para kay Marlo ay ito na marahil ang pinakamahirap niyang nagawa sa longest-running drama anthology ng ABS-CBN. “Hindi ako magsisinungaling, this is actually ang pinaka-challenging na ginawa ko sa MMK. Unang-una, hindi ako emotional na tao. Hirap na hirap ako talaga. So internally nag-prepare ako. For me make or break ito kasi ang tagal kong nagpahinga sa acting. So I think this is the perfect opportunity to show your authentic self. Kasi ang hirap magpaka-fake sa ganitong klaseng episode or program. It was challenging and you have to really prepare emotionally and mentally, lahat. Buong katawan,” paliwanag niya.
Sa loob ng dalawang taong hindi nakapagtrabaho bilang aktor ni Marlo ay aminadong humarap din sa matinding pagsubok na dulot ng pandemya. “I was battling with mental health problems in the past two years. Nagkaroon ako ng matinding anxiety and that’s also what led me to study neuroscience sa Harvard online. Kaya ang nangyari, feeling ko nagkaroon ako ng matinding self-reflection. Feeling ko ng mga panahon ng Be Careful With My Heart at dating MMK, I wasn’t that serious when it comes to my craft. I didn’t understand what acting is. Kasi nga I never had acting lessons before. And now I’m transitioning into the actor that I really am,” paglalahad ng binata.
Sharlene, walang planong iwan ang pag-arte
Napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang music platforms ang kantang Running ni Sharlene San Pedro.
Matatandaang 2017 pa nang huling nakapaglabas ng single ang actress-singer. “Noong napakinggan ko ‘yung kanta sobrang pasok agad sa tainga ko. Kaya sabi ko, mukhang babagay ito sa akin. Ito na lang ang i-release natin. Sabi ko i-record na rin natin agad-agad. So na-record namin ito November 2021,” bungad ni Sharlene.
Para sa dating child star ay talagang maganda ang mensahe ng kanyang bagong awitin. “Ang kantang ito, para siyang nakalutang ‘yung isang tao, na parang gusto niyang mag-stay na lang sa memory na ‘yon kahit alam niya na he or she is running out of time. Malungkot siya pero medyo may pagka-rock,” dagdag ng dalaga.
Kahit aktibo na sa pagkanta ay hindi pa rin umano iiwan ni Sharlene ang pag-arte. “Hindi po ako mag-lay low sa acting. Ako naman po may naka-line up in the future. Continuously evolving and growing ako sa aking career path. Ang acting roles ko or mga project na gagawin ko ay hindi mainstream, parang mas indie. Gano’n ang parang wini-wish ko in the future,” pagbabahagi ng aktres.
(Reports from JCC)
- Latest