^

PSN Showbiz

Ana, blurred pa ang kanang mata!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ana, blurred pa ang kanang mata!
Ana
STAR/ File

Tama nga sigurong huwag na lang magsalita si Kit Thompson kaugnay sa isyu nila ni Ana Jalandoni. Ilang beses ko rin tinext ang mga taga-Cornerstone na siyang nagma-manage kay Kit, pero hindi na sila sumasagot.

Haharapin na lang daw nila ang kasong isasampa ng aktres.

May ilang taong malapit kay Kit ang nakaka-text ko at sinasabi nilang ‘yun na ang mas mabuting gawin para hindi na lumaki pa ang isyu at baka lalong mapapahamak pa si Kit sa kasong isasampa laban sa kanya.

Aminado si Ana na nandiyan pa rin ang pagmamahal niya kay Kit, pero pursigido siyang ituloy ang kaso. Suportado si Ana ng mga kababaihan, at dapat na huwag siyang bumitaw dahil magiging ins­pirasyon din siya ng mga kababaihang dumanas sa ganito sa lalaking minahal nila.

Sabi naman ni Ana sa nakaraang presscon na ipinatawag niya: “Sa mga babaeng katulad ko na nakaranas ng ganitong pangyayari, na nasaktan… huwag kayong matakot! Dahil unang-una, hindi tayo dapat sinasaktan ng mga lalaki — kahit ano pang problema ‘yan, kahit ano pang isyu — hindi tayo dapat pinagbubuhatan ng kamay. “Kaya nga po nandiyan ‘yung salitang, ‘Pag-usapan nyo nang maayos.’”

Sa ngayon ay magpapagaling pa raw muna si Ana, pero gusto niyang ituloy ang kanyang showbiz career. Ipina-check up niya ang kanang mata niya na napuruhan sa pananakit sa kanya diumano ni Kit, at medyo may gasgas pa raw ito. Pero babalik naman daw ito sa normal sabi ng kanyang doctor.

“Medyo blurred pa siya, pero sabi ng doktor, babalik din daw siya sa normal,” pakli ni Ana.

Xian, kinabahan

Sa May 2 na ang airing ng first drama series ni Xian Lim sa GMA 7.

Ang unang napabalita ay sa April 25 ito, pero naurong ng isang linggo, at na-finalize nilang magiging May 2 na.

“I think si Glaiza po ang nagsabi na April 25 po ang labas po ng False Positive. So, that’s my first show as a Kapuso. So, it’s gonna be a fun one for everyone,” pahayag ni Xian sa nakaraang mediacon ng Expo 2020 Dubai na concert nila na ginanap na sa Dubai Millennium Ampitheatre kahapon.

Kakaibang excitement ito sa dating Kapamilya actor dahil ramdam naman daw niya ang mainit na pag-welcome sa kanya ng Kapuso network.

vuukle comment

KIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with