^

PSN Showbiz

Andre, inaming naging pasaway noon

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andre, inaming naging pasaway noon
Andre
STAR/ File

Maraming nagawang kalokohan si Andre Yllana noong kanyang kabataan. Ayon sa anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana ay talagang naging ‘pasaway’ siya noong nag-aaral pa ng high school. “Siguro ‘yung perfect description ko as a high school student no’ng mga panahon na ‘yon, pasaway. Talagang lahat ng bawal ginawa ko. Siguro ‘yung craziest thing na ginawa ko sa school is ‘yung attendance ko sa school laging butas-butas ‘yung weekly schedule. Laging may cutting dito, cutting diyan, late sa klase, ‘yung typical na pasaway. Pero eventually naman na-realize ko na no’ng third year or fourth year ko na itong edukasyon ‘yung kinabukasan ko, kailangan ko din bumawi. Kaya no’ng college nag-ayos na din ako. Nagtino na rin ako,” natatawang kwento ni Andre.

Kahit mayroong mga nagawang kalokohan noong araw ay maraming mga leksyon naman ang natutunan ni Andre sa buhay. “Since I came from a Catholic school, ‘yung putting God first ‘yung nadadala ko sa everyday life ko ngayon lalo na kapag may mga problema. Hindi nawawala si Lord sa buhay ko. Siguro ‘yun ‘yung biggest thing na nakuha ko from high school na if there are problems or there are blessings, lagi kang magpapasalamat at huwag kakalimutan ang Diyos. Keep your friends close pero your family closer. Kasi minsan may mga taong super close nila sa friends nila to the point na nawawala na oras nila sa family nila. As much as possible kung kumpleto pa ‘yung pamilya n’yo or kung sino man ‘yung nakakasama n’yo everyday, i-cherish n’yo ‘yung mga moments with each other, ” giit niya.

KD at Francine, may connection

Napapanood na ngayon sa iWantTFC ang Bola Bola na pinagbibidahan nina Francine Diaz Ashton Salvador, Akira Morishita at KD Estrada. Ayon kay KD ay talagang nakaramdam siya ng pagkailang kay Francine lalo na noong unang araw ng kanilang trabaho. “Ang dami na niyang experience so siyempre hindi maiiwasan ‘yung hiya when you’re wor­king with a seasoned actress or actor talaga. Luckily, Francine is very nice and very friendly so the scenes just became very natural after few takes. A lot of the kalokohan after the scenes, ‘yung mga fun moments, Francine made the work easy. She made it fun. I’m thankful na I get to work with mga ka-age ko, ang saya,” nakangiting pahayag ni KD.

Magkaibigan na umano ang dating Pinoy Big Brother housemate at si Francine bago pa man nagkasama sa naturang proyekto. Matalik na magkaibigan naman ang karakter ng dalawa sa bagong online series. “When you’re acting with someone, dapat there’s a sense of may connection na kayo. You should have a friendship established. And luckily me and Francine, this is not our first time mee­ting. We’ve met a few times before like sa Squad Plus and at a birthday party din we had a chance to chat. Actually during the Bola Bola taping nagkuwentuhan din kami about stuff and it just came super natural. So sa mga scenes it’s like we’re just having fun, bardagulan. Parang tropa ko na rin si Francine,” kwento ng binata.

Samantala, mapapakinggan din sa online series ang isa sa mga kantang isinulat ni KD. Napapakinggan na rin ito ngayon sa iba’t ibang music platforms katulad ng Spotify, Apple Music at Deezer. “Sinulat ko ‘yung ‘Mahal Ba Kita?’ prior to Bola Bola. I wrote it after I got out of the (Pinoy Big Brother) house,” pagtatapos ng baguhang aktor. (Reports from JCC)

ANDRE YLLANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with