^

PSN Showbiz

Dagul, binubuhat na lang para makarating sa trabaho

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mula nang mawalan ng TV show ay nahirapan na si Dagul sa paghahanap-buhay. Ayon sa komedyante ay talagang kailangang kumayod para sa pamilya lalo pa’t mahirap ang buhay ngayon.

Nagsimulang mamasukan ni Dagul sa kanilang barangay hall mula nang nagtapos ang Goin’ Bulilit. “Sa ngayon medyo mahirap kasi nga iba ‘yung sa showbiz ka, iba ‘yung nagtatrabaho ka. Kasi kapag empleyado ka, gano’n lang talaga kinikita mo at saka hindi naman gano’n kalaki kasi sa barangay ang ibinibigay honoraria lang,” bungad ni Dagul.

Sa ngayon ay nahihirapan na ring maglakad at tumayo nang matagal ang aktor. Kadalasan ay binubuhat umano si Dagul ng kanyang anak upang makara­ting sa trabaho. “Kapag tumayo ako hindi ako tumatagal, hindi ako makalakad, nakaupo lang. Binubuhat ako ng anak ko para pumasok sa opisina namin. ‘Pag wala akong trabaho sa Sabado, Linggo, dito ako sa bahay. May maliit kami na tindahan, ako ‘yung nagbabantay. Kasi nga si misis busy sa trabaho dito sa bahay kaya ako muna ang nagbabantay sa tindahan namin,” kwento ng komedyante.

Ngayong hindi na aktibo sa show business ay palaging iniisip ni Dagul kung paano matutustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya sa araw-araw. “Nalungkot lang ako tulad ngayon mga pangangailangan ng anak ko sa bahay namin, kung paano ko mapo-provide kaya sabi ko, okay lang laban pa rin. Basta kumikilos ka lang, huwag kang tamad. Talagang hindi ko na kaya magpaaral. Naaawa ako sa anak ko. Nakakalungkot hindi ko na kaya. Kaya sabi ko bahala na kung anong mangyari basta huwag lang tatamad-tamad. Kasi kapag tamad ka, talagang walang mangyayari sa buhay mo,” emosyonal na pahayag ng aktor.

Self-confidence ni KD, binalik ng PBB!

Masayang-masaya si KD Estrada dahil unti-unti nang natutupad ang mga pinangarap lamang niya noon. Noong lumabas mula sa Pinoy Big Brother house ay talaga namang dumami na ang mga tagahanga ng binata. “It was overwhelming at first kasi when I got out the house, ang daming information na linayag sa akin. But right now parang I’m slowly processing all of this and feeling great,” nakangiting pahayag ni KD.

Ayon sa baguhang aktor ay malaki ang naitulong sa sarili ng kanyang pagkakapasok sa PBB noong isang taon. “I remember last year ‘yung self-confidence ko below zero. I couldn’t even get myself to look at the mirror, ganyan. Slowly, I’m healing from that. I’m slowly getting out of that and learning how to love myself. You just have to take it day by day.

“One of the biggest things that caused it is social media. Kasi you tend to compare yourself to people. ‘Bakit ganito ‘yung katawan ko? Bakit ang bagal ng progress even if I work out for months?’ Sometimes people just have chemical imbalance in their brain and that’s not a problem. That’s normal and that’s nothing to be ashamed about. If you really feel na kailangan mo ng tulong, you can always open up to people. You can always reach out. I’m getting there,” makahulugang pahayag ng binata.

(Reports from JCC)

DAGUL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with