Lloydie at Aga, tinanggihan si Quiboloy?!
Ongoing pa rin ang paghahanap na gaganap bilang Pastor Apollo Quiboloy, para sa pelikulang ipu-produce ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.
Ang latest na nabalitaan namin tinanggihan na raw nina John Lloyd Cruz at Aga Muhlach ang naturang project.
Pero nang nakausap namin si Atty. Topacio nung Sabado ng gabi, nandiyan pa rin daw ang offer nila kay Lloydie.
Hindi lang daw sila nagkakatugma sa schedule ng aktor. Kaya, susubukan pa rin daw nilang hintayin kung libre na ang aktor sa October o November.
Nai-move na raw nila ang shooting at hindi na mahahabol sa anniversary ng Kingdom of Jesus Christ sa September.
Kaya gagawin na raw nilang birthday presentation ito ni Pastor Quiboloy sa April 25 next year.
Ani Atty. Topacio; “ Inurong na po namin ang principal photography to October or November para mas mahaba ang pre-production, as we in Borracho Films have always believed that a thorough pre-production is the key to a trouble-free principal photography and post-production.”
Inalok din daw nila kay Aga ang naturang project, pero hindi raw nila kakayanin ang talent fee na hinihingi na maaaring presyong ayaw ‘yun.
May ibang aktor pa na kinu-consider, kagaya nina Carlo Aquino at Paolo Contis.
Hindi raw ito basta-bastang project, kaya maingat daw sila sa pagbuo ng cast. “Ang daming interesting at importante sa kuwento na hindi puwedeng mawala, pero kailangan hindi aabot o lalagpas sa two hours. Iyon ang challenge namin sa project na ito,” pakli pa ni Atty. Topacio.
“May isang film pa po kami in development with the working title of Pain (tagalog ng bait). It’s a cautionary tale of how the NPA recruits young men and women into the armed insurgency, thus ruining their lives,” sabi pa ni Atty. Topacio.
May ilulunsad din daw silang bagong mukha sa movie project na ito, at balak nilang isasama ay sina Paolo Gumabao at Gardo Versoza.
Nilalaro ang Family Feud...
Kapuso stars ang maglalaban sa pilot week ng Family Feud na magsisimula na ngayong araw ng 5:45 ng hapon bago mag-24 Oras.
Ngayong Lunes ay maglalaban ang pamilya ng All-Out Sundays at The Boobay and Tekla Show. Sa mga susunod na araw ay nandiyan ang pamilya ng Little Princess at Prima Donnas. Nandiyan din ang Team Beki na stand-up comedians at ang Philippine Men’s Volleyball Team, at ang pamilya ni Christian Bautista versus kay Jasmine Curtis-Smith at mga kaibigan nito.
Sobrang na-enjoy ni Dingdong ang hosting niya sa Family Feud na pati nga raw siya ay naglalaro na rin.
Aniya; “Ang pagkakaiba talaga dito ‘yung aspeto na kahit na sabihin natin na ako ‘yung host o game master, eh naglalaro din kasi ako.
“Kumbaga, kahit nagpa-facilitate ako ng game, kahit ako mismo nakikisama ako sa kung paano siguro ako mag-conduct ng isang laro sa aming bahay, eh ganun din. Kasi talagang kinu-consider ko ‘yung stage na ‘yun as my home,” masayang pahayag ni Dingdong sa nakaraang mediacon ng Family Feud.
- Latest