Mano po sa TV, maraming iconic lines
Mano po sa TV, maraming iconic lines
Tuloy ang pag-aapela ni Mother Lily Monteverde na gawing until Sunday ang Mano Po Legacy sa GMA 7 na napapanood since March 14 ang second installment na Mano Po Legacy: Her Big Boss headlined Ken Chan as Richard Lim, Kelvin Miranda as Nestor Lorenzo and Bianca Umali as Irene Pacheco.
Ito ay kuwento ng isang matigas ang ulo na babae na nagsisikap na balansehin ang kanyang karera at ang kanyang romantic life. Nakaplano na ang buhay ni Irene (Bianca). Sa loob ng dalawang taon, pakakasalan niya ang kanyang longtime perfect boyfriend na si Nestor (Kelvin) at sa Australia na sila titira para makasama ang iba pa nilang kamag-anak.
Ngunit nagbago ang buhay nang makahanap si Irene ng trabaho bilang assistant ni Richard (Ken), isang geeky Filipino Chinese businessman na kailangang kunin ang tiwala ng kanyang ama para pamunuan ang negosyo ng pamilya. Habang nagtutulungan ang amo at ang kanyang bubbly na assistant, nagbabago ang damdamin, at nagdudulot ito ng kalituhan sa puso ni Irene.
“It’s definitely a milestone for me. I’m used to doing heavy drama stories or characters and this one will be my very first full on romantic-comedy show. Nakakakaba because I can say that this is one of the most challenging roles ever,” pahayag ni Bianca na hindi naman naramdamang may kaba sa kanyang mga eksena sa mga napanood na episode.
Hirit naman ni Ken : “Sino ba naman ang hindi mapa-proud kapag napasama ka sa Mano Po? I’m very happy, blessed and thankful. Talagang malaking tulong at malaking bagay si Direk Easy (Ferrer) sa paghulma nung characters namin. Talagang gina-guide niya kami sa bawat eksena.”
Inamin naman ni Kelvin kung paanong naiba ang role niya rito sa mga nauna nang ginawa niya. “Sa akin ‘yung pinakanaging challenge ko is kung papaano ko gagampanan ‘yung pagiging mature. Kasi ‘yung last na nagawa kong proyekto talagang napaka-impulsive nung character ko. Itong bagong character ko naman si Nestor Lorenzo, sobrang layo niya kumpara sa nakaraan.”
Kasama rin sa cast nito sina Pokwang, Teejay Marquez, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Arlene Muhlach, Sarah Edwards, Haley Dizon, Sarah Holmes at marami pang iba.
Ayon naman kay COO & Vice President of Regal Entertainment Inc. and Regal Multimedia Inc. Roselle Monteverde, mga pasabog daw ang mga eksena hanggang ending. “This is another story of Mano Po and I assure you that you will be surprised again. With the line-up that we have, mga pasabog at mga linyahan, kahit na rom-com ito, siguradong mayroon ding mga iconic lines na manggagaling sa characters.”
Napapanood ito after Widows’ Web on GMA Telebabad.
- Latest