^

PSN Showbiz

James at Nancy ng Momoland, spotted sa L.A.

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
James at Nancy ng Momoland, spotted sa L.A.
Nancy
STAR/ File

Uy spotted sa LA sina James Reid and Nancy McDonie, kasama ang kani-kanilang set of friends!

Kaya naaligaga ang kanilang fans lalo na sa video clip kung saan makikita rin ang Film-Am star na si Ivan Dorschner.

Kuha ang nasabing photo and video clips sa may Yamashiro Restaurant in Hollywood na isang Pinay ang Executive Chef, Chef Vallerie Castillo-Archer.

Naudlot ang tambalan nina James and Nancy sa The Soulmate Project nang magkaproblema si James sa kanyang contract, nagka-pandemic at eventually ay nawalan ng franchise ang ABS-CBN.

Wishing ang ibang fans na sana ay totoo ang kilig na nararamdaman nila for James and Nancy lalo na nga at very open na si Nadine Lustre sa bagong karelasyon niya.

Nauna nang kinilig ang fans nang mag-live streaming si James sa Instagram last Saturday sa Pilipinas.

Three weeks na sa Los Angeles ang actor/singer.

Update ni James, out na ang Hello 2.0 single niya sa Spotify at released na rin ang teaser ng music video nito sa YouTube.

Nag-apologize rin si James sa kanyang biglaang pag-alis ng bansa na akala ng karamihan ay for good na.“I do apologize for not saying anything before I left,” aniya. “I want to try and keep it low key but yeah…”

Dagdag niya : “Basically, I’m out here in LA right now. Not on vacation, I’ve been in and out of studios working with different producers, songwriters, working with transparent arts and I’ve just been out here making music and I can’t wait to get back.

“I’ve been out in LA for like 3 weeks now. I feel like it’s been forever, oh my God,”  kuwento pa niya.

Babalik daw siya ng Pilipinas sa April at sobrang naho-homesick na nga raw siya. “I’ll be back April, I think. We’ll see. Actually, I didn’t get a return ticket, so I’m not sure how long I’ll be out here.

“I miss everyone a lot. I am pretty homesick. I miss the food. And I miss the team.”

Marami raw siyang ginagawa roon : “This trip so far has been ama­zing. I’ve been working with some incredible producers and songwriters. I’ve made a lot of tracks while I’ve been out here. I had a goal of just coming back with like 10 demos but the way it’s going, I think I’ll have like 30 songs by the time I get back home,” banggit pa ni James na nagpasalamat din sa kanyang fans na sumusuporta pa rin sa kanya hanggang ngayon.

Ceb, naalala sa kawalan ng tagalog movies sa mga sinehan

Ahh kung siguro may Cinema Evaluation Board (CEB) baka magkaroon ng confidence ang local movie producers na magpalabas ng pelikulang Tagalog sa mga sinehan.

Ang CEB ang nagbibigay ng rating o nagmamarka sa mga pelikulang ipalalabas sa mga sinehan na karapat-dapat na tumanggap ng tax rebate na nagsisilbing incentives ng gobyerno sa film industry.

One hundred percent ang rebate sa Grade A and 70 % sa Grade B.

Na usually, nagiging basis ng ibang fans kung panonoorin nila ang isang pelikulang Tagalog.

But anyway, mula nang magdesisyon ang Supreme Court noong 2019 na tanggalin ang amusement tax para sa Tagalog films, nawalan ng function ang CEB.

Ang nasabing decision ay with finality matapos ibasura ang appeal ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang mother organization ng CEB.

Ngayon ay wala nang function ang CEB pero may ilan pang ina-appoint na board member ang Malacañang at kabilang rito sina former Manila Councilor Robert Ortega at ang brother ni Philip Salvador na si Ramon Salvador.

JAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with