Local celebs, may isyu na sa mga endorsement
Palagay ko, Salve, parang hindi totoo ‘yung nabalitaan mo na instead na local celebrities, mga Korean star na ang kukuning endorsers ng ibang local companies. Kasi parang sa studies yata ngayon nawala ang pagiging sobrang starstruck ng mga tao kaya hindi na masyadong malakas ang dating ‘pag artista ang kinuhang endorser.
Parang nabawasan na ang paniniwala ng tao na ginagamit o gumagamit o kinakain ba noong artista ang ine-endorse nila.
Naging issue pa ‘yung lumabas na kaso noon ni Aga Muhlach sa isang beauty clinic na hindi naman siya pumayat dahil sa clinic kundi dahil sa gym kaya nagkaroon sila ng demandahan. Kaya ngayon, pati pag-endorse nila ng beauty clinic o slimming salon, may question na rin.
Siguro nga maganda na rin ang ganito lalo pa nga kung minsan sa laki ng sinisingil na TF ng isang artistang endorser binabawi rin siguro iyon sa presyo ng product. Dahil mahal ang image model, mahal din ang product. Now, dahil cost cutting lahat, hindi puwedeng mahal ang binibili. Kaya bawas na rin ang gastos ng marketing. Reality bites na naman. Or baka naman mas cheaper ‘pag Korean stars.
Ricky Lo, malapit nang maka-isang taon
Biglang pumasok sa utak ko si Ricky Lo. Siguro dahil malapit na ang birthday niya, April 21, at one year anniversary ng death niya kaya biglang na-remember ko siya.
After Ricky Lo’s birthday pala, iuuwi ang ashes niya para ilibing sa family mausoleum nila sa Samar. Doon niya gustong ilibing kaya iyon ang gagawin nina Susan, Kimberly at Jia after his birthday this year.
Tuwing may pumuputok na malaking balita sa showbiz, biglang naaalala mo ang pangalang Ricky Lo dahil pagdating sa scoop, siya na ang pinaka-reliable na magbalita nito. Naalala ko rin siya dahil I was feeling a little bit low last night, eh dahil neighbors kami, kadalasan ‘pag feeling may sakit kami, ‘yung isa’t isa ang una naming tinatawagan dahil pareho kaming mahilig sa self medication. Ang hilig naming magbigay ng mga reseta na binigay sa amin ng doctor, na feeling namin ay pareho lang naman, kaya kung ok sa isa, ok din sa iyo, hah hah hah.
Naku emo moments na naman ang mga nararamdaman ko, dahil siguro nga, 75 na ako sa May, mahilig na ako sa flashback. Hay naku, pagbigyan n’yo na ako, paminsan-minsan lang naman.
- Latest