^

PSN Showbiz

Bayani, magi­ging lolo na uli

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bayani, magi­ging lolo na uli
Bayani at Len-Len
STAR/ File

Excited na uling maging lolo si Bayani Agbayani.

Yup, preggy na uli ang el­dest daughter niyang si Marimar na wife ng half-brother ni Bea Alonzo na si James Carlos.

At bait na bait si Bayani sa kanyang manugang at maging kay Bea.

Kaya enjoy si Bayani at hindi na affected kung may mga lumalabas na intriga lalo na ‘yung tungkol sa pagkakatsugi ng programa nilang Lunch Out Loud (LOL).

Yup, ipinagkibit-balikat na lang ni Bayani ang na-resurrect na tsismis na kesyo titigbakin na ang daily noontime show nilang LOL sa TV5 na Brightlight Productions ang producer. “Hindi na po bago iyan sa amin, e!” mabilis na reaction ni Bayani nang makatsika namin sa resto-cafe na katabi ng LOL studio sa Kalayaan Ave., QC.

“Kasi, nung bago pa kami magsimula, three months lang daw ang itatagal namin. Sa awa naman po ng Diyos, naka-one year na kami. Running for two years na kami. Kasama talaga sa laban ng buhay ‘yan.

“Kahit saang estado, kahit saang propesyon, may ganyan talaga, e. Pero ang mahalaga kasi, kung ano ‘yung ginagawa mo, pagbutihin mo.

“Kasi, at the end of the day, whether may tsismis o wala, pag mababa ang rating mo, mawawala ka sa ere.”

Ayon pa kay Bayani, kuntento siya dahil pangalawa pa rin sila sa Eat Bulaga ang LOL. “Awa ng Diyos! At sa Visayas at Mindano, mataas pa kami. Malakas pa kami,” dagdag pa ni niya na common knowledge na naikot na ang mga noontime show sa lahat ng channel.

“Siguro dahil ‘pag nagpe-pray kami, lagi akong, ‘Sa lahat po ng mga kapatid nating Muslim, As-Saalam-Alaikum!’

“Na-capture namin ang Mindanao nang todo-todo.

“Nag-Pasko’t Bagong Taon kami ni Len-len (wife ni Bayani) sa Wild Farm saka sa Davao, e. Alam talaga nila. Alam nila ‘yung show.

“Sa hotel. ‘Yung mga waitress. Mga bellboy. Alam talaga nila. Nagre-rate talaga ‘yung show.

“Nung una nga, sabi ko, ‘Talaga bang malakas kami?’ E, nandun ako sa Mindanao, nalaman ko. Malalaman mo, e,” dagdag pa niyang sabi na endorser pala ng e-sabong pero hindi raw siya nagsasabong.

vuukle comment

BAYANI AGBAYANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with