Ukrainian actor, napatay sa bakbakan
MANILA, Philippines — Marami ring nalungkot na Pinoy fans sa lumabas na story na may namatay na Ukrainian actor dahil sa nasabing kaguluhan, si Pasha Lee.
Ayon sa online reports, kasabay na napatay ng Ukrainian actor ang isang local mayor habang pinagtatanggol ang kanilang bansa sa mga umaatake.
May post pa ito sa kanyang IG account five days ago bago siya napatay sa patuloy na paglusob ng Russians.
Gwapo si Pasha at mukhang bata pa kaya ang daming nagdarasal na matapos na ang nasabing bakbakan ng dalawang bansa na apektado na ang marami at pati mga bata ay namamatay dahil dito.
Dasal ng lahat ang ‘world peace’ na dati ay parang tinatawanan ‘pag sinasagot sa mga Q & A portion ng mga pageant, pero literal na world peace ang kailangan ng lahat.
- Latest