Dating asawa ni Jelai, sumuko na sa kasong concubinage
Finally, sumuko na sa QC Regional Trial Court ang vlogger na si Jon Gutierrez alyas King Badger nitong nakaraang linggo kaugnay sa kaliwa’t kanang kasong Concubinage at Violence Against Women [And Children] na inihain laban sa kanya ng aktres at kanyang dating asawa na si Jelai Andres.
Agad itong nagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matatandaang idinemanda ni Jelai si King Badger noong nakaraang taon dahil sa pakikiapid diumano nito sa isang babae na noon ay isang menor de edad.
Sa kasalukuyan daw nasa hustong edad na ang nasabing babae upang panagutan ang kanyang pagkakasala at mapatawan ng kaukulang kaparusahan ng ayon sa batas.
Ang sabi ni Jelai noong nakaraang taon sa kanyang interbyu noong panahong inihain niya ang kasong Concubinage sa dalawa, “Ang kasal ay isang sakramento, ‘wag nating gawing normal ang pakikiapid. Nawa’y maging isang leksyon ito sa mga may mister na pasaway at sa mga babaeng walang pakundangan makipagrelasyon sa mga lalaking alam naman nilang may asawa.”
Ayon sa abogado ni Jelai na si Attorney Faye Singson ay “Nararapat lamang na makamit ni Jelai ang hustisya’t katarungan, sapagka’t hindi naging madali ang pinagdaanan niya.”
- Latest