^

PSN Showbiz

Beteranong aktres at radio drama superstar na si Luz Fernandez, pumanaw sa edad na 87

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Beteranong aktres at radio drama superstar na si Luz Fernandez, pumanaw sa edad na 87
Luz.

Yumao na ang beteranong aktres at radio drama personality na si Luz Fernandez makalawa, Marso 5. Siya ay 87 years old.

Masasabing show business ang naging buong buhay si Luz.

Bata pa kami, naririnig na namin siya sa mga drama sa radyo. Nang nawawala na ang drama sa radyo, napanood na rin siya sa mga drama serye sa telebisyon.

Gumagawa na rin siya ng pelikula, at bukod doon, nagiging dubbing coach din siya ng mga artista sa pelikula.

Siguro sa pelikula hindi mo sasabihing big star si Luz Fernandez, pero sa radyo superstar siya. Sila ang mga highest rated radio talents. Kabilang diyan sina Lucy Quinto, si Tina Loy, si Vangie Labalan at iba pa.

Marco, hinuhulaang mas tatagal ang career kesa kay Paolo

Hindi naging mabilis ang pagsikat ni Marco Gumabao. Kung iisipin mo, isang dekada na pala siya sa show business at kailan lang napansin.

Hindi natin maikakaila na nang magpa-sexy na rin siya sa kanyang mga pelikula at saka siya nagkaroon ng mas maraming fans, at ngayon ay napupunang pogi pala siya talaga.

Hindi rin natin maikakaila na mukhang mas naging mabilis ang pasok ng kanyang kapatid na si Paolo dahil sa mga unang sabak pa lang nito sa pelikula ay napansin na. Pero mas naging daring si Paolo na payag ibuyangyang maging ang kanyang private parts.

Pero ang mga pelikula ni Marco ay nakatikim naman ng sinehan, samantalang ang ginawa ni Paolo ay sa internet lang napanood, at mananatili sigurong ganoon dahil ang ginagawa niya ay todo bold talaga na hindi makakalusot sa sinehan na ang mga palabas ay dumadaan sa MTRCB.

Kaya ang advantage ni Marco ay mas tatagal ang kanyang career kaysa kay Paulo, maliban kung matututo agad ito na bumawi sa bold movies na ginawa na niya.

Dito naman sa atin, babae man o lalaki, walang tumatagal na bold stars.

Pamilya ni Elisse, ayaw noon kay Mccoy

Hindi mahirap intindihin ang nangyayari sa buhay nina McCoy de Leon at Elisse Joson. Kung talagang nagkakaroon sila ng problema sa pagsasama o early promo lang ng kanilang endorsement.

May mabilis kasing naniwala na may problema sila dahil sa sagutan nila sa kanilang social media account.

Hindi ito ang first time na hindi sila nagkasundo dahil diumano’y ayaw ng pamilya ni Elisse kay McCoy.

Masasabing ang pagsasama o pag-aasawa, hindi talaga masasabing puro sarap.

May mga bagay na kailangang isakripisyo para sa isang mabuting pagsasama.

Pero ‘yun nga, abangan natin kung ano ba talaga ito.

Kung for real o talagang pang-promo lang.

vuukle comment

LUZ FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with