^

PSN Showbiz

Manny, walang planong umatras kahit nangangamote sa survey

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Manny, walang planong umatras kahit nangangamote sa survey
Manny.

Kaliwa’t kanang pamba-bash ang ipinupukol ngayon laban kay Senador Manny Pacquiao sa social media. Matitindi ang upak sa kanya, walang pahinga ang mga bashers ng Pambansang Kamao, may pinag-ugatan ang senaryo.

Sa isang pagbibigay ng mensahe ng senador na tumatakbo sa panguluhan ay buong-ningning niyang isinigaw, “Ang pinakabobo sa bansa natin ay ‘yung mga boboto sa magnanakaw!”

Napanganga ang mga nakarinig sa kanyang ipinahayag, napakatapang na pulitiko raw niya dahil wala siyang pinangingilagan, ang tapang-tapang daw talaga ni Senador Manny Pacquiao.

Sa kanyang mga pag-iikot ay palaging sinasabi ng pambatong boksingero ng ating bayan na may matindi siyang takot sa Diyos, hindi raw siya gagawa ng anumang aksiyon na hindi magugustuhan ng Panginoon, lalong-lalo na ang pagnanakaw.

Unang-una raw niyang ipahuhuli at ipakukulong ang mga tiwaling pulitikong nagnanakaw sa kaban ng ating bayan. Sama-sama raw silang mabubulok sa kulungan kapag siya ang nanalong pangulo.

Dahil sa kanyang mga pahayag ay natural lang na upakan ang boksingero-pulitiko. Nagmumula ang mga bira sa iba-ibang direksiyon ng kanyang mga kalaban.

May mga nang-iinsulto pa nga sa People’s Champ, kailangan na raw niyang isigaw ngayon nang paulit-ulit ang laman ng kanyang plataporma dahil wala namang magandang umaga masisilayan ang senador, siguradong talo siya.

Nasa ibaba ng survey ng panguluhan si Senador Manny Pacquiao, pinapayuhan siya ng mas nakararami na habang maaga pa ay umurong na siya sa tunggalian, isang hakbang na hinding-hindi gagawin ng mabangis na Pambansang Kamao.

Allergies ni Kris, hinahanap ang pinanggagalingan

Maraming naging masaya at nakahinga nang maluwag sa pinakabagong post ni Kris Aquino. Dininig nga naman ang kanilang panalangin para sa maagang paggaling ng TV host.

Ayon kay Kris, kapag naging maayos na rin ang pagdadaanan pa niyang gamutan ay saka na lang siya makabibiyahe papunta sa ibang bansa, ‘yun kasi ang habilin ng kanyang mga doktor.

Mahaba ang biyahe papunta sa Amerika kung saan niya ipagpapatuloy ang kanyang pagpapagamot, sinisiguro lang ng kanyang mga doktor dito na walang magiging aberya sa kanyang biyahe, kaya lahat ng maaaring gawin pa dito ay tatapusin na muna nila.

Ang kanyang katawan ay manipis pa rin, hindi pa nadadagdagan ang kanyang timbang, isang matinding pag-aalala ‘yun para sa kanyang mga tagasuporta dahil tuluy-tuloy ang pangangayayat niya.

Ang mga allergies na lang niya ang sinisikap pang tuntunin ng mga espesyalista kung saan nanggagaling. Sobrang sensitibo ng kanyang katawan, kaunting alikabok lang ay sapat na para maglabasan ang kanyang allergy, kasunod ang pamamaga ng kanyang mukha.

Sana nga ay umayos na ang kanyang kalusugan sa mga darating na araw, magkaroon na sana ng saysay ang kanyang salapi para sa pagbabalik ng dati niyang sigla, ‘yun ang hiling ng ating mga kababayan.

Palaging sinasabi ngayon ni Kris na hindi natin dapat unahan ang kalooban ng Diyos. Tamang-tama ang kanyang sinabi, ang ating mga hiling ay magaganap sa takdang oras, sa tanging tamang panahon na ipagkakaloob ng Diyos.

 

MANNY PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with