^

PSN Showbiz

Aktres, pasado sa pamilya ng karelasyong miyembro ng mga Alta

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nang-uusisa kung magkakaroon kaya ng kasunduan sa pagpapakasal ng isang kilalang female personality at ng kanyang karelasyong mula sa buena familia?

Natural lang na nagaganap ang pre-nuptial agreement sa kasalan ng isang milyonaryo at ng isang babaeng mula sa isang ordinaryong pamilya.

‘Yun ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagpapakasal ng isang female newscaster sa kanyang boyfriend na mula sa alta sosyedad. Pakiramdam ng babae ay pangmamaliit-pambabastos ang ganu’n.

Nang sabihin na sa female anchor woman ang tungkol sa pre-nup ay agad na itong umurong sa kasal nila ng apo ng isa sa pinakamayamang pamilya sa ating bansa.

‘Yun din ang tanong ng mga miron sa nalalapit na pagpapakasal ng isang magandang aktres sa kanyang karelasyong milyonaryo ang pamilya, magkakaroon din kaya ng pre-nup, tanggap kaya ‘yun ng female personality?

Kuwento ng aming source, “Totoong ipina-background check ng family ng guy ang female personality. Nagpunta ang mga tao nila sa probinsiyang pinanggalingan ng girl.

“Maganda naman ang resulta, kaya sila pa rin hanggang ngayon. So, nalampasan ‘yun ng girl, kaya ang tanong naman ngayon ng mga uzi, maglatag kaya ng pre-nup ang family ng guy bago sila magpakasal?” umpisang komento ng aming impormante.

Naging tahimik ang female personality sa mahabang panahon ng kanilang relasyon ng milyonaryong lalaki, hindi niya ‘yun ipinagyabang, basta tahimik lang siya.

“Totoo naman ‘yun! Wala siyang ipinaramdam na pagmamaangas, simple lang siya, kesehodang sinusundo siya sa airport ng magagarang sasakyan.

‘Yun siguro ang nagustuhan sa kanya ng pamilya ng guy, hindi niya kinaladkad sa kahit ano ang pangalan ng pamilya. Bibihira nga lang ang nakakaalam na ganu’n pala kayaman ang boyfriend niya!

“Malalim na ang foundation ng relasyon nila. Meron o walang pre-nup, siguradong sa altar na mauuwi ang pagmamahalan nila.

“Nagkatotoo ang name ng female personality, di ba? Magiging rich na rich na talaga siya! Panalo!” masayang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

KC, naiipit din sa isyu ng pulitika!

Nakakaaliw ang litanyang benefit of the daw. Daw talaga, hindi doubt, benefit of the daw. ‘Yun ang usung-uso ngayon tungkol sa mga isyung kinapapalooban ng mga personalidad.

Huwag naman daw basta husgahan agad. Bigyan daw muna ng benefit of the daw. Galing sa mga CFMers ang terminong ‘yun.

Maraming isyung kailangang bigyan ngayon ng benefit of the daw. Tulad ng pagpansin ng mga Marites na bakit daw hindi sumasama si KC Concepcion sa kampanya ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa ngayon ay hindi pa, pero malay naman natin kapag bumalik na sa bansa si KC, tutal ay mahaba pa naman ang tatakbuhin ng kampanya. Madalas sabihin ni KC na mahal niya ang kanyang daddy, para na rin siyang anak kung ituring ng pulitiko, kaya siguro naman ay maglalaan siya ng panahon para sa kampanya nito.

Kaya lang ay napakalapit din ni KC sa pamilya nina Senate President Tito Sotto at Ate Helen Gamboa, para na rin siyang anak ng mag-asawa, kaya paano kaya ang pagdedesisyon ni KC para wala siyang masaktan sa dalawang nagbabanggang puwersa sa pagka-vice-president?

Napakahirap ng posisyon ngayon ng mag-inang Sharon at KC, sobrang mapagbiro ang kapalaran, sinusukat ang kanilang kapasidad ngayon.

Si Sharon ay mauunawaan natin dahil ang kanyang asawa ang tumatakbo, pero isa pang bagay ang sigurado, hindi magbibitiw ng masasakit na salita ang Megastar para makapanakit sa kalooban nina Kuya Tito at Ate Helen.

Hindi sasadyaing saktan ni Sharon ang mga taong nagtutu­ring na sa kanya bilang anak, pati ang kanyang mga pinsan na para na silang magkakapatid, ‘yun ang sigurado.

Tingnan na lang natin kung ano ang gagawin ni KC sa kampanya. Baka wala na lang siyang suportahan sinuman kina Senator Tito at Senator Kiko para wala siyang masaktang kahit sino.

Ang kapalaran talaga kung magbiro, mahirap ispilengin, sino ba ang mag-aakalang sina Senate President Tito Sotto at Senador Kiko pa pala ang pagsasabungin sa isang posisyon sa ating pamahalaan?

Nu’ng minsan ay sinabi na ni Sharon, “Kahit sino ang manalo, okey lang, basta ang mga kababayan natin ang makikinabang.”

Ang pagkakataong ito ang susukat sa kanilang pagkatao at paninindigan. Malaking kuwestiyon kung paano nila dadalhin ang labanan nang hindi manganganib ang kanilang malalim na relasyon.

KC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with