^

PSN Showbiz

Kris, naalala sa EDSA People Power

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Madamdamin ang karamihan sa posts sa social media kahapon para sa ipinagdiwang ang 36th anniversary ng EDSA People Power.

Panahon pa ng eleksyon kaya nahahaluan ng pulitika. Nagti-trending sa Twitter ang #NeverAgain #NeverForget at #EDSA36.

Simple lang ang pagdiriwang sa EDSA kahapon, na kung saan ay pina­ngunahan ng Quezon City Mayor Joy Belmonte at DILG Chief Eduardo Año sa People Power monument.

Ang tanong tuloy ng ibang katsikahan ko, magkakaroon pa kaya ng susunod na selebrasyon ng People Power next year?

Nasa tao na ‘yan kung sino ang susunod na pangulong iluluklok nila sa Malacañang.

Kasabay ng selebrasyong ito kahapon ay patuloy naman ang digmaang nagaganap sa Ukraine kaya maraming nagdadasal na sana ay matapos na ang gulo ng Russia at Ukraine, dahil sa nadadamay na mga inosente.

Dahil sinasariwa ang EDSA People Power, isa sa naalala ko ay si Kris Aquino na lalong bumongga ang showbiz career pagkatapos ng People Power at naging Pangulo ang kanyang namayapang inang si Cory Aquino. Si Kris ang isa sa nagpatingkad ng kulay dilaw nung panahong iyon.

Pero sa ngayon, ay kailangan na ni Kris makipaglaban sa kanyang kalusugan, at hindi na para sa bayan.

Pagkatapos niyang mag-post ng kalagayan ng kanyang kalusugan nung kamakalawa lang, muli siyang nag-post ng pasasalamat sa lahat na nagdasal para sa kanya.

Pansamantalang magpapahi­nga raw siya sa social media ngayon dahil may bagong treatment na gagawin sa kanya.

Bahagi ng kanyang post sa Instagram at Facebook: “Kailangan ko maging rested & as stress free as possible until Sunday kasi may susubukang treatment… praying very hard na kayanin ng katawan, kasi ito yung magiging paraan para maging mas okay ang quality of life ko.

“1st dose ito, pero alam ko yung possible risks involved. Please pray for the doctors & nurses na magaalaga sa kin.

“The whole process will take about 4 hours plus observation time. 3 days rest before and 3 days rest after. i have faith in God’s plan and His timing.”

Huwag daw natin i-claim na gumaling siya, dahil hindi naman daw natin dapat pa­ngunahan ang Diyos. Aniya: “Please wag natin i-claim that i’ll be healed, wag natin Syang pangunahan. i continue praying for the Faith to continue Hoping that i’ll get healthy enough for those who still need and Love me. Good night.”

Carmina, hindi nag-adjust kahit kabataan ang katrabaho!

Maganda ang feedback sa ending ng Mano Po Legacy.

May book two na ito na bida sina Bianca Umali, Ken Chan at Kelvin Miranda.

Pero ang bagong drama series na Widows’ Web ang papalit sa timeslot na ito.

Kapansin-pansin na ang babata na ng mga gumaganap sa matured roles kagaya nina Ashley Ortega, Pauline Mendoza, kasama sina Vaness del Moral, Edgar Allan Guzman, Adrian Allandy, at Carmina Villarroel. May special participation dito si Ryan Eigenmann na kung saan ay asawa niya rito si Ashley na napakabagets pa.

Sa nakaraang mediacon ng Widows’ Web ay dama ang closeness nilang lahat at adjusted na sila sa isa’t isa.

Pero sabi naman ni Carmina Villarroel, hindi naman daw niya kailangan na mag-adjust sa co-actors niya.

“Okay naman sila, wala namang problema. Thank you, Lord, na I don’t have to do some adjustments, kasi hindi naman kasi kailangan,” pahayag ni Carmina.

Si Ryan naman ay nilinaw sa co-actors niya na okay lang kapag off-cam, pero pagdating sa trabaho at magkaeksena na, iba na siyempre ang focus nila.

Willing naman si Adrian na magbigay ng payo sa younger stars na nakakatrabaho niya.

“Ako, ‘pag ibang younger stars try to ask for advice about work, about how to attack certain itong role nga nila, humihingi sila ng advice. Pero in terms of adjustment, chill lang naman kami,” katuwiran naman ni Adrian.

Thankful si Pauline dahil ilang beses na silang nagkatrabaho ni Carmina, kaya naging close na raw talaga sila. “Marami akong natutunan from them actually, kapag nakaeksena ko sila,” pakli ni Pauline na ibang-iba ang role niya rito.

Si Ashley na roommate ni Vaness ang nag-adjust daw dahil kailangan daw niyang mag-ayos sa kuwarto, para sa kasama niya sa kuwarto.

“Siyempre, nakakahiya. Kailangan kong maging maayos, hindi makalat. Siyempre bilang respeto din na mas nakakatanda si Ate Vaness, tapos nagpa-pump siya. Hindi naman puwedeng bum ako dun na nakahilata lang ang isang 23-year old na babae,” pahayag ni Ashley.

EDSA PEOPLE POWER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with