^

PSN Showbiz

Bossing Vic mas na-enjoy ang pagtanda, Tali Army na rin!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bossing Vic mas na-enjoy ang pagtanda, Tali Army na rin!
Pauleen,, Vic at Tali
STAR/ File

Mas na-appreciate na ni Bossing Vic Sotto ang pagkakaroon ng edad. “Ang sarap magkaedad. Dati-rati nung medyo nasa gitna ako ng laban, para bang natatakot akong magkaedad. Para bang natatakot akong madagdagan nang madagdagan ako ng edad. Pero ngayon enjoy eh, masarap. Bukod dun sa mga discount. Enjoy ako, ‘yun ang feeling ko ngayon. Ang sarap palang magkaedad,” pag-amin ni Bossing Vic the other day sa virtual media launching ng kanyang bagong endorsement na Boss Max 3.

Sixty seven years old na si Vic.

Looking healthy and strong nga si Bossing Vic sa nasabing virtual conference.

Actually, parang mas naging healthy siya ngayong pandemic at expert na sa online activities.

At nang tanungin siya kung anong sikreto, si Pauleen Luna, misis niya, ang tinuturo niyang i-text at itanong kung ano ang parang ‘beauty regimen’ niya bukod sa kanyang ini-endorse na food supplement and coffee na gawa sa mangoosteen.

“I-text mo si Pauleen kung gusto mong malaman ang sikreto ko.

“Siya ang nakakaalam,” aniya pa habang natatawa.

Ganundin si Tali na talagang entertainer daw nila ni Pauleen.

“She’s only four years old pero nakaka-complete na siya ng sentence.

At natatahimik lang ‘yun ‘pag may nakasubong dede pagkatapos nun kuwento na nang kuwento sa mga make believe stories niya. Dire-diretso na ‘yun,” sabi pa ng legendary comedian.

At dahil energetic si Tali, kailangan daw talaga niyang makipagsabayan.

“Kailangan makikipagtaguan ka. Kailangan may energy ka. Parang talo ata nito si Pauleen sa kadaldalan,” say ni Bossing.

“Hindi puwedeng tatamad-tamad ka. Kailangan mo talagang may energy ka.”

At dahil work from home pa rin siya, mas mahaba ang bonding nila ng anak bukod pa sa maraming siyang nadidiskubre sa anak tulad ng pagiging member nito ng Army ng BTS. Paulit-ulit daw ito sa pagkanta ng Butter, Dynamite, etc.

At nang tanungin kung wini-wish na ba ni Tali na magka-baby sister or brother, ang sagot ni Bossing : “The truth is tuwing magdarasal sa gabi kay Papa Jesus, nagpapa-thank you siya sa mommy at daddy niya at pini-pray niya na ‘Can you please give me a baby sister or a baby brother.’

Ang problema lang palagi kasama namin siya sa pagtulog. Nasa gitna namin. ‘Yun ang problema. Hindi pa siya natutulog na mag-isa. Kayakap niya ang mommy or ako,” natatawa pa niyang chika.

Anyway, bukod sa enjoy siya sa buhay habang nagkakaedad, must na talaga sa kanyang buong pamilya ang maging healthy.

“‘Yung pagiging healthy sa mga nakaraang taon, inabot na tayo ng pandemya, mas naging health conscious na. Noon kasi minsan nakakalimutan na natin ang pagiging healthy, ilang oras lang tayo natutulog, itong matatapos nating pandemya, natuto tayo kung gaano kaimportante ang kalusugan,” saad pa niya na malaki nga raw ang naitulong sa kanya ng bagong endorsement na Boss Max 3.

“Mula 2020, lahat ng plano natin ay nausod, at lahat tayo ay takot sa mga pangyayari dahil sa virus. At alam naman ninyo na batang-bata pa ako walang kokontra kaya kailangan nating magdoble ingat sa pag-aalaga sa ating kalusugan. Precaution ang kailangan natin. Kailangan nating maging mabusisi sa ating mga iniinom na bitamina at supplements upang tiyak tayong nagkakaroon ng tamang dami ng sustansya na tumutulong sa atin na palakasin ang ating immune system para puwedeng pagsabay-sabayin ang ating trabaho at buhay pamilya,” sabi pa ng mister ni Pauleen na ngayon ay super sexy na uli base sa post niya sa social media.

Dagdag pa niya “Kalusugan mo ang Bossing mo!’” ani pa ni Bossing Vic.

“Patuloy kaming susulong at magsisimula ng mga kapaki-pakinabang na produkto at layunin para sa aming mga tagapagtangkilik sa bagong produktong ito ang BossMax3 Capsule na may Mangosteen BossMax3 Creamy Coffee at Strong Coffee,”  sabi naman ng presidente ng Corbridge Group Philippines Inc. na si Mr. German Panghulan.

Samantala, habang nagso-Zoom si Bossing ay nasa San Benito Farm silang pamilya.

TALI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with