^

PSN Showbiz

Pia at Jeremy, walang lihiman ang relasyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pia at Jeremy, walang lihiman ang relasyon
Jeremy at Pia.
JEREMY AND PIA (Facebook photo)

Mahigit dalawang taon nang magkasintahan sina Pia Wurztbach at Jeremy Jauncey. Suportado umano ng binata ang pagiging isang aktres ng dalaga sa Pilipinas. Sa bagong proyekto ng Miss Universe 2015 ay si Piolo Pascual ang kanyang makakatambal.

Simula March 5 ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang My Papa Pi na pinagbibidahan ng dalawa.

Hindi na raw ipinagpaalam ni Pia sa nobyo ang tungkol sa bagong proyekto. “Hindi ako nagpaalam, kilala na niya si papa P. kasi siyempre kinukuwento ko sa kanya ‘yung mga pagso-showbiz ko before no’ng nagsisimula ako sa ABS-CBN. Tapos nagtatanong rin siya kung sino ‘yung mga artista ng Pilipinas. So nakwEnto ko na sa kanya si papa P,” nakangiting kwento ni Pia.

Malaking bagay umano para sa relasyon ng magkasintahan ang hilig nila pareho sa pagbibiyahe. Magkasundung-magkasundo sina Pia at Jeremy sa pagbabakasyon sa iba’t ibang lugar. “Si Jeremy mahilig mag-travel so naging perk na lang na kasama niya ako. Tapos nai-enjoy ko din ‘yung pagta-travel niya. Nakabase na rin siya sa Abu Dhabi ngayon kaya madalas kaming magkita. Pero bumabalik pa rin ako sa Pilipinas kasi nandito ‘yung work ko. Nandito ‘yung mga shoot, nandito ‘yung endorsements tuluy-tuloy pa rin naman. Tapos meron din akong bahay so I think I split my time between the two and kaya naman. Sa akin naman time ma­nagement lang ‘yan. Basta alam ko in advance, I can make myself available for work,” pagbabahagi ng dalaga.

Hindi umano hadlang sa relasyon nina Pia at Jeremy ang pagiging magkalayo nila. Para sa beauty queen-actress ay mahalaga na palaging mayroong komunikasyon sa pagitan nila ng binata. “Kailangan may good and open communication lalo na sa akin because we don’t see each other all the time. Kasi parang in a way long distance relationship kami. Buti it’s important na lagi kaming nag-uusap, honest kayo, and meron kayong mga plano para meron kayong something to look forward to,” makahulugang pahayag ni Pia.

Kanta ni Jeremy G., hango sa tunay na pangyayari!

Isa si Jeremy Ginoga sa naging finalist noong 2017 ng The Voice Teens sa ABS-CBN.   Bukod sa pagkanta ay nakapagsusulat na rin ng sariling awitin ang binata na mas kilala ngayon bilang si Jeremy G.

Ayon sa singer ay hango sa mga tunay na pangyayari ang mga sariling komposisyon na nilalaman ng kanyang EP o extended play album na may titulong Maybe Forever. “It’s based on stories as well what I got from my friends. So even though that we have different circumstances, that we have different types of relationships. I always thought that we always go for a same cycle. We often think all romantic relationships reliably progress from the initial meet to infatuation, to a series of small trials, and finally to happily ever after. Love is a journey without a final destination,” paglalahad ni Jeremy.

Ayon sa singer ay siguradong makaka-relate ang kanyang mga tagahanga sa apat na kanyang naisulat. “Once you listen to it as a whole, you’ll realize that even if we come from different places, worlds, experience the same things, even if the lyrics of these songs do not directly represent the relationship you’re in, there are some lines or words that you can relate to. These songs are very relatable,” giit ng binata. Reports from JCC

 

 

PIA WURZTBACH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with