^

PSN Showbiz

Lalakeng personalidad na nagkasungay, wala nang pumapasok na pera!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mahirap ang kabuhayan ngayon dahil sa pan­demya. Walang kasigu­ruhan kung kailan babalik sa normal ang takbo ng ating buhay. Napakaraming nahagip ng pandemya sa mundo ng showbiz.

Mga nawalan ng trabaho, mga artistang naghahati-hati sa kakaunting trabaho na bawas pa ang kanilang talent fee, talagang nakapag-aalala ang kinabukasan.

May mga personalidad na kapag maganda ang takbo ng karera ay kinakambalan ng kaangasan. Yumayabang, umaangat ang mga paa sa lupa, akala nila’y merong forever.

Kuwento ng aming source, “Ang mga dating anghel ang datingan nu’ng nagsisimula pa lang sila na nangangailangan ng suporta, kapag sumikat na, nagkakaroon ng sungay!

“Nakikipagsayaw na sila sa hangin ng kasikatan, wala nang kilala, nginangatngat pa nga nila ang mga kamay na nagpala sa kanila! Ganu’n kadalasan ang nakikita natin!” mainit agad ang komentong sabi ng aming impormante.

Pansamantalang nagmaangas pa ang isang male persona­lity nang hamunin niya ang ahensiyang nagpasikat sa kanya. Marami pa siyang salapi nu’n, may mga ari-arian pa siyang maibebenta, pero dumating ang indulto sa kanyang buhay at karera.

Patuloy ang aming source, “Ilang panahon lang, tuyot na ang ilog ng kayabangan niya! Gumastos siya nang milyones sa pagtatayo ng sarili niyang company, pero may nangyari naman ba?

“Puro palabas ang kanyang pera, namuhunan siya nang malaki, pero wala namang bumabalik! Nagulantang ang isang singer-composer, nagbebenta na siya ng mga kagamitang pagkamamahal!

“Walang naganap na maganda sa ipinagmayabang niyang sariling negosyo. Tumaob ang kanyang bangka, bigung-bigo ang male persona­lity,” dagdag na impormasyon pa ng aming source.

Dahil sa pagkabigo ay wala nang magawa ang guwapong male personality kundi ang isara na lang ang kanyang kumpanya. Nag-uubos lang kasi siya ng oras at pera, nasa singer-composer na ngayon ang mga ipinagmamalaki niyang kagamitan, sumuko na siya sa laban.

Sabi uli ng aming source, “Nauna kasi ang kaangasan niya! Porke mara­ming tumitili at kinikilig kapag nakikita siya, akala niya, e, made na made na siya!

“Juice ko! Walang kasiguruhan ang future ng mga artista! Maraming nangangarap, maraming puwedeng pumalit sa kanya! Ano ang naging resulta ng kasupladuhan niya? Waley!

“Ano ang nangyari sa kawalan niya ng utang na loob, kinampihan ba siya ng kapalaran? Waley! Napurnada na ang bulsa niya, hindi pa niya alam ngayon kung saan siya pupunta! ‘Yun ang napala niya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Pagbabalik sa nayon, walang kasing saya…

Halos apat na buwan kaming hindi nakauwi sa aming nayon. Telepono lang ang naging komunikasyon namin ng aming anak na si Doc Neil at ng kanyang pamilya.

Sabik na sabik na kaming umuwi pero mahirap. Mahigpit ang patakaran sa aming nayon. Ang mga nagtatrabaho-naninirahan sa Maynila ay kailangan pa munang maghintay na lumuwag ang health protocols.

Salamat naman dahil kaming lahat sa bahay ay kumpleto na sa bakuna at nakapagpa-boos­ter na. Bumaba ang numero ng nagkakasakit at nagluwag na sa pagbiyahe sa Nueva Ecija.

Nandito na kami ngayon sa baryo ng Visoria kung saan kami lumaki at pinanday ng panahon. Sariwang hangin, mga pamilyar na mukha, ang makukulit na­ming apo na tanong nang tanong, “Mama Tektek, kailan po ba kayo uuwi?”

Nasa gitna na uli kami ng bukid kung saan binubunot namin ang pananim na sibuyas, ang pag-ani ng talong, habang sinisimsim namin ang mabangong bukirin na pinanggalingan ng palay.

Walang kasingsaya ang pagbabalik sa nayon na naging saksi sa iyong pakikipaglaban sa buhay. Maraming naghihirap, kawitang-palakol ang tawag sa ganitong panahon na malayo pa ang anihan, lahat ng pagtitipid ay kailangang tanggapin nang pikit-mata.

May susunod kaming proyekto ng aming manugang na si Geli na kakambal ng inunan ang pagtatanim ng kahit anong may buhay, susubukin namin ang pagpapalago ng mga gulay sa pamamagitan ng hydroponics, hindi sa lupa kundi sa tubig lang ang pagtataniman.

Maramig maaaring itanim at alagaan sa aming bahay sa bukid, tatlong libong metro kuwadrado ang sukat ng lupa, tamad na lang talaga ang hindi makikinabang sa biyaya ng buhay.

May mga alaga kaming manok-Tagalog, mga gansa at bibi, malalaki na at nagsipanganak na ang mga kambing ng aming mga apo. Ito ang pinapangarap naming buhay kapag wala na kami sa mundo ng showbiz, ang muling balikan ang uri ng buhay na kinagisnan namin, ang magsasaka na lumabas lang sa kahon at napadpad sa siyudad para sa mga bagong paghamon.

 

MONEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with