^

PSN Showbiz

Mikael, sasayaw sa kanyang bagong programa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mikael, sasayaw sa kanyang bagong programa
Mikael
STAR/ File

Inihahatid ng GMA Network ang pinakabago nitong comedy infotainment program na The Best Ka.

Itinatampok dito ang Guinness World Records na ‘Best of the Best.’

Mapapanood ito beginning Feb. 20, tiyak na kikilitiin ng programang ito ang curiosity ng lahat dahil nagtatampok ito ng mga nakakaintriga na anekdota at out-of-this world wonders of people tuwing Linggo ng hapon.

Ang Kapuso actor Mikael Daez ang magsisilbing host. “Every project in GMA is a blessing kasi pinagkakatiwala ng GMA sa akin kung sino ‘yung mga kasama ko, at ‘yung buong crew and director. ‘Sa inyo ito, make this your own, and make us proud.’ ‘Yun ang nasa isip ko, make the most out of this, give it your best and enjoy.”

This new milestone in his career is a welcome breather for the Kapuso actor since he will be showcasing a side of him that the viewers have never seen before. “Sa trailer pa lang you can see me dancing. People know that I don’t dance that well. But I guess people don’t know that I do dance... Pero first time na lalabas ‘yung side na ito doon sa isang hosting show. They’ve seen snippets of it as a character, sa Ismol Family, sa Bubble Gang. Pero dito sa The Best Ka! I’m coming in as me, as Mikael, ibang side ang makikilala ng mga Kapuso natin.”

At bilang ito ang very first full-length show as niya as main host, he shared two key points on how to deal with pressure, “May pressure naman lagi pero ang mas importante ay maibigay mo lahat at mag-enjoy ka, ‘yung dalawang bagay na ‘yon. Ibigay mo lahat, prepare well. If you have a script, read your script, if you have objectives, understand the objectives pero at the same time, i-enjoy mo ‘pag nandun ka na. If you have those two things, maglalaro ang iba,” pahayag niya.

At para sa pilot episode nito, makakasama ni Mikael ang misis niyang si Miss World 2013 Megan Young bilang special guest co-host na by the way ay sa Subic na pala sila nakatira ng asawa.

Under the helm of director Tata Betita mapapanood ito beginning Sunday, Feb. 20, 3:50 p.m. only on GMA Network.

Ito bale ang pumalit sa natsuging Dear Uge.

MIKAEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with